Hello sa mga KaoSeth Girls!!Labyu allll
Kaway-kaway sa mga Team Madaling Araw!!!Hehe
Kaori's POV
Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi malaman kung ano ang unang iisipin. Kung 'yung kalagayan ba niya o yung mga gumawa sa kaniya nito.
Nasa sala kaming dalawa at magkaharap dahil ginagamot ko ang mga sugat at pasa niya na hindi man lang niya inisip na gamutin. Gusto kong umiyak at hampasin siya dahil sa ginawa niyang paglihim sa 'kin pero hindi ko magawa.
Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari sa kaniya, kasi wala akong magawa, kasi mahina ako, kasi natatakot ako.
"Huwag kang umiyak" hinawakan niya ang kamay ko na nagpupunas sa sugat niya habang ang isa niyang kamay ay pinang punas niya sa luhang kumawala sa mata ko.
"S-sorry, hindi ko lang mapigilan" binitawan ko ang bimpo at tinakpan ang mukha ko dahil nagtuluy-tuloy na 'ko sa pag-iyak.
Tinanggal niya ang mga kamay ko sa mukha ko at hinawakan niya ito. Hindi ako makatingin ng deretso dahil sa kakaiyak.
"Shhh tahan na, huwag mo ng isipin ang nangyari" napapunas ako sa aking pisngi at bigla ko nalang siyang pinaghahampas.
"Anong huwag isipin?!Napaka mo talaga!Ayoko sa lahat ay yung pinag-aalala ako! Pa'no nalang kung may ibang ginawa sa 'yo? Pa'no kung bugbugin ka ng todo? Ano nalang mangyayari sa 'kin kapag nawala ka!" Puro salag at daing nalang ang nagawa niya dahil hindi niya 'ko mapigilan.
"Ano, ha? Paano na 'ko!" Sinalo niya ang huling hampas ko at hinatak niya 'ko palapit sa kaniya para yakapin ng mahigpit.
"Isipin mo naman ako" nanghihinang sabi ko. Hindi ko alam kung paano pa ako nakakapagsalita dahil sa iyak ko.
"Iniisip kita. Lagi kitang iniisip, Kaori at alam ng Diyos 'yon..." mas humigpit ang yakap niya sa 'kin.
"Sa bawat pagpapahirap nila sa 'kin ikaw agad ang naiisip ko dahil ikaw lang ang nagbibigay ng dahilan kung bakit kinakaya ko ang bawat kamaong dumadapo sa mukha at katawan ko.." unti-unti naring nababasag ang boses niya at yumakap na 'ko pabalik.
"Hinding-hindi ka mawawala sa isip ko, Kaori, lagi mong tatandaan 'yan"
"Seth? Tara na!" Nasa garahe na 'ko at hinihintay nalang siya dahil sabay na kaming papasok. Dalawang buwan nalang kasi at graduation na kaya kailangan na talaga naming magpapasok.
"Ito na!" Pagkasabi niya non ay siyang paglabas niya sa pinto at parang nag-slowmo ang paligid dahil sa itsura niya.
Bagay na bagay talaga sa kaniya ang uniform at angat na angat ang kagwapuhan niya pero kapag iba ang nagsuot nito? Hindi mukhang tao hehe.
Naglalakad siya papalapit sa 'kin at ang Seth ay parang napansin na nakatulala ako sa kaniya kaya inartehan niya ang lakad sabay hawi pa ng buhok at talim ng titig.
Nagkunwari nalang ako na nakatulala pa rin ako sa kaniya hanggang sa makalapit siya sa 'kin at todo pacute pa rin siya. Pumupungay pa ang mga mata at todo hawi sa buhok, magmumukha ng tanga 'tong si Seth sa ginagawa niya kaya hindi ko na napigilang tumawa ng malakas.
"Bwiset na mukha 'yan sarap ihampas sa sahig" at tumawa ulit ako habang nakahawak pa sa tiyan.
"Tawang-tawa ah!Poging-pogi ka nga sa 'kin!" Pinitik nanaman niya ang ilong ko.
"Nagyayabang ka na eh tara na nga" sumakay na agad ako kaya tatawa-tawa siyang pumasok na rin.
On time kaming nakarating sa V.U at nasa hallway palang kami ay naririnig ko na ang mga sigawan ng tropa ni Seth mula sa classroom. Napapailing nalang ako habang tinutungo ang daan papunta doon.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...