MDG 18

250 10 2
                                    

May name na maa-add dito at wala akong hanash sa kanya,hinihingi lang para sa eksena kaya dapat kong ibigay.

Again,wala akong hanash sa kumg sino man. Sadyang kailangan ko lang ibigay ang role sa character hihi thanks!









Seth's POV

Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti ko ng nakakalimutan kung sino ako. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung "Nasaan na 'yung dating Seth?" Kasi ang dami talagang nagbago.

Sa tuwing humihinga ako parang binibilang na rin ang natitirang oras ko dito sa mundo.

Lagi kaming nag-aaway ni Kaori at walang araw na hindi kami nagtalo sa isang bagay. Alam kong napapagod na siyang intindihin ako at maniwala sa mga sinasabi ko pero nakikita ko sa mga mata niyang pinanghahawakan pa rin niya ang mga pangako namin sa isa't isa.

Sa isang relasyon, kailangang maging malinaw sa 'yo ang lahat kahit ang labo-labo na ng sitwasyon. Kung iniintindi ka niya, mas intindihin mo rin siya. Hindi pupwedeng magkaiba kayo ng takbo ng isip dahil diyan nagsisimula ang pagkasira ng tiwala at paniniwala.

"Manang pakisabi nalang po kay Kaori na ako ang maghahatid sa kaniya sa trabaho. Hintayin lang kamo ako"

"Sige ho, Sir" maaga akong umalis ng bahay dahil magkikita kami ni Kurt ngayon.

Si Kurt ang nakakaalam ng lahat. Siya ang nagiging takbuhan ko kapag kailangan ko na ng tulong.

Nasa kalagitnaan ako ng daan ng maalala ko ang sinabi ni Kaori sa 'kin kagabi. Nakausap siya ni Rhys at doon niya nalaman ang hindi ko pagpasok sa skwelahan.

Nag u-turn ako at tinungo ang daan papunta kila Rhys. Kailangan ko siyang kausapin at sabihan.

Naka-ilang doorbell ako nang may lumabas----na pinagsisihan ko ang pagpunta ko rito.

"Seth!" Patakbo niyang tinungo ang gate at mabilis akong pinagbuksan.

"Anong gina---"

"Nandyan ba si Rhys?" Putol ko.

"Ah oo nasa loob siya---"

"Pakitawag nalang. Hintayin ko nalang siya dito" tumalikod na 'ko at naglakad papunta sa harap ng kotse ko.

"Seth, wait!" Sinundan niya 'ko dito at tumayo sa harap ko.

"Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos tatalikuran mo pa 'ko?"

"Wala rin naman tayong pag-uusapan" umikot ang mata niya sa sinabi ko.

"Lagi akong nag-oopen ng topic sa 'yo pero lagi mo 'kong binabara----nevermind. By the way, I've heard na may girlfriend ka raw na nagwowork sa isang not so famous pizza shop?" Tumingin lang ako sa kaniya. 'Yung tingin na walang kainteres-interes sa naririnig.

"Ikaw naman Seth, hindi mo agad sinabi na gusto mo pala ng nagseserve sa isang cheap pizza shop edi sana noon pa 'ko nag-apply!" Natatawang sabi niya at may paghampas pa sa braso ko.

"When will you stop chasing me? Kelan ka ba matitigil sa ilusyon mo, Karina?" Napaatras siya sa sinabi ko at sumama ang timpla ng mukha.

"Kapag ako na 'yung pinili mo! My gosh, Seth! Ang tagal-tagal ko nang nagpapapansin sa 'yo pero hindi ko pa rin makuha 'yang atensyon mo! Ano bang gusto mo ha?" Napakamot ako sa tenga ko dahil sa rindi.

"Alam mo? Tawagin mo nalang 'yung Kuya mo nang makaalis na 'ko dito" tinuro ko ang bahay nila.

"Hmp!" Padabog siyang naglakad pabalik sa bahay nila at maya-maya lang ay lumabas na si Rhys.

My Delivery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon