MDG 8

395 15 3
                                    


Enjoy!







Seth's POV

Automatic na ata sa isang tao na mapikon sa ano mang oras na walang pasabi. Katulad ngayon, may humarang sa aming magbabarkada sa parking lot nitong school. Mga mukhang mayabang pero mukha ring walang laban.

"Nandito pala ang kinakatakutan ng lahat eh" mapang-asar na sabi nito at alam kong ako ang tinutukoy niya.

"Nagtataka nga 'ko kung bakit ang lakas ng loob mong lumugar sa harap ko ngayon eh" sagot ko.

"Makapag-yabang ka akala mo nakuha mo ang lahat ah? Ni wala ka ngang Nanay dahil nanlalaki, wala ka ring Tatay dahil hindi ka kapili-pili. Tsk! Bakit buhay ka pa?" Nagpintig ang pandinig ko sa mga sinabi niya. Matatanggap ko na ako lang ang tirahin niya pero dinamay ang magulang ko.

"Pardon me?" Walang pasabi ko siyang sinuntok at pinaibabawan. Nagkagulo na rin ang iba naming barkada.

"Huwag na huwag ka ng magpapakita sa 'kin!" Pinaulanan ko siya ng suntok hanggang sa matulak niya 'ko at nabaliktad na ang posisyon namin. Siya na ngayon ang suntok ng suntok sa akin.

"Tigilan mo ang paghari-harian dito dahil nandito pa kami! Hindi kami matatakot sa inyo!"

Hindi ko na alam ang nangyayari dahil hindi na 'ko makalaban. Bugbog sarado na 'ko, ewan ko lang ang lagay ng mga kaibigan ko. Malalakas naman ang mga ugok na 'yon.

Inuwi nila ako sa bahay at grabe ang gulat ng mga yaya ko nang makita ang itsura ko. Minadali nila akong inakyat sa kwarto at naghanda agad ng mga pang-gamot pero pinigilan ko sila. Ayaw kong gamutin nila ako dahil kusa naman itong gagaling.

Ilang pagtaboy pa ang ginawa ko sa kanila hanggang sa magulat nalang ako ng si MDG na ang bumungad sa 'kin. Nagtanong siya kung bakit ako nakipag-away kaya nasermunan ako.

Sa sandaling 'yon, habang pinagmamasdan ko siya, alam ko sa sarili kong lunod na lunod na 'ko. Mahirap ng umahon mula sa nararamdaman ko.

May gayuma ata 'yung pizza.

Nalaman ko rin na mag-aaral na pala siya at sa skwelahan ko pa talaga!

Kung hindi ito tadhana, hindi ko na alam kung ano pang tawag dito.

Umalis din siya nang oras na 'yon dahil baka nagugutom na raw ang Nanay niya. Si Nanay hehe.

Tama nga sila, kapag unang tumibok ang puso dahil hindi lang panlabas ang nakita mo, mayayari ka na ng pag-ibig. You'll be smittened by cupid's arrow, so hard.

Maaga akong nagising at si MDG agad ang naisip ko. Nakakababae sa pakiramdam pero wala tayong magagawa eh, 'yun ang nararamdaman ko.

Mabilis akong natapos sa morning rituals ko at dumeretso na sa kusina para mag-agahan. Bakas sa mga mata ng mga kasama ko dito sa bahay ang pagtataka dahil sa kinikilos ko. Iniisip siguro nila kung bakit parang hindi ako nakakaramdam ng sakit sa katawan.

"Nakasama ko 'yung gamot ko kagabi eh" natikom ko bigla ang bibig ng napagtantong nasabi ko ang dapat nasa isip ko lang! This is so embarassing!

"Mabuti nalang talaga at dumating si Ma'am!" Sabi ng isang katulong.

"Hehe" napakamot nalang ako sa batok ko at nagpatuloy sa pagkain.

Nagpaalam agad ako sa kanila nang matapos ako. Balak kong sunduin ngayong umaga si MDG at tanungin din siya kung kailan ang pasok niya.

"Gwapo ka, Seth, huwag kang mag-alala" nakayuko kong sabi habang nasa tapat ng pinto nila.

Malalim ang naging paghinga ko bago ulit kausapin ang sarili.

My Delivery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon