Kaori's POV
Ang sabi nila, malalaman mo kung may gusto o mahal mo na ang isang tao kapag nag-slowmo ang paligid mo. 'Yung siya lang ang nakikita mo, ang humihinga sa paligid mo at ang nagiging mundo mo.
Hinihintay ko 'yung ganung moment para sa taong 'to. Sa taong pinapanood ko ngayon habang nagsasalita ng wala namang kakwenta-kwenta.
"Tapos alam mo ba? Dati may nag-offer sa 'kin kung gusto ko raw bang mag-artista!" Proud na proud pa ang itsura, psh!
Naka-upo na kami ngayon sa pinakagitna ng canteen. Wala pang studyante dahil on-going ang klase ng lahat. Napagod lang kami ni Seth sa kakaikot dito sa V.U. Ang laki pala nito!
"Oh talaga?" Pang-asar ko pero mukhang dalang-dala siya sa pagkukwento kaya hindi niya pinansin.
"Kaso hindi ko tinanggap kasi naisip ko, kawawa naman 'yung ibang artista kapag naging artista ako, baka mawalan na sila ng trabaho dahil sa 'kin na lahat ibibigay" umarte pa siyang nalungkot kaya halos ibato ko sa kaniya ang hawak kong plastic bottle na walang laman.
Poging-pogi talaga sa sarili eh!
"Kapal talaga ng mukha mo 'no? Bakit ka ba gwapong-gwapo sa sarili mo, ha?" Mangangalumbaba na sana ako sa table nang mauna na siya kaya hindi ko na tinuloy. Baka makaisa nanaman 'to eh.
Tumingin siya sa 'kin habang kumikislap ang mga mata niya.
"Eh kasi gwapong-gwapo ka rin sa 'kin" nag-beautiful eyes pa ang loko!
Pinukpok ko ang bote sa ulo niya.
"Aray ko! Bakit ba?" Reklamo niya habang hinihilot ang ulo niyang natamaan ng bote.
"Nakakapikon 'yang pagganyan mo"
"Bakit? Kasi totoo? Wushu, MDG! Alam kong sinisikreto mo ang nararamdaman po para sa 'kin" pagmamalaki niya.
"At pano mo naman nasabi, aber?" Taas kilay kong tanong.
"Kasi kung wala, matagal mo na 'kong nilayuan kasi umamin ako sa 'yo. Logic 'di ba?" Natulala ako sa sinabi niya at parang may bumagsak na kung ano sa ulo ko dahil sa narinig.
"Ano pa bang hinihintay mo, MDG?" Nakakaasar nanaman ang mukha niya! Arghhh!!!
"Mapapatay kita! Bwiset!" Inis na inis akong tumayo at naglakad papalayo.
"Uy, sandali!" Mas binilisan ko pa ang paglalakad,lakad takbo na nga ang ginawa ko pero naharangan parin niya ang daan.
"Tumabi ka diyan!" Masamang tingin na ang pinukaw ko sa kaniya.
"Bakit ka ba nag walk-out? Hindi ka naman artista ah!" Napahilamos nalang ako sa sariling mukha.
"Tabi sabi!" Pataas na ng pataas ang boses ko at hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkaganito!
"Did I hit the nerve there?" As usual! Ayan nanaman ang mabilis niyang pag-switch ng mood. Nagseseryoso nanaman!
"Totoo ang sinabi ko MDG at hindi ka dapat mainis---unless totoo nga"
"Pwede bang huwag mo 'kong pangunahan sa nararamdaman ko? Pwede bang manahimik ka muna? Patahimikin mo muna ako dahil kailangan kong mag-isip!" Tinabig ko na siya at mabilis na umalis. Laking pasasalamat ko ng hindi na siya humabol.
Ano bang nangyari? Okay naman kami kanina ah? Ano ba kasing nangyari sa 'kin? Bigla nalang akong tinopak!
Palabas na sana ako ng school nang maalala kong hindi ko pala dala ang motor ko at hindi pa 'ko pwedeng umalis dahil hindi pa tapos ang oras ko rito.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...