Suggest ko na iplay niyo yung Without You by Angeline Quinto at isabay niyo dun sa pagpasok ng lyrics.
Kindly leave your comments hihi.
Seth's POV
Araw-araw tinatanong ko ang sarili ko kung kaya ko pa ba, may patutunguhan pa ba, may ilalaban pa ba?
Ang hirap kasi sa mundo, pararanasin kang maging masaya tapos babawiin din pala. Sinasampal ang katotohanang kapag naging masaya ka, dapat maging malungkot ka. Kailan ba naging patas ang mundo?
Ayaw kong sumuko pero mundo na ang nagtutulak sa 'kin para gawin ko 'yun. Kapit na kapit ako, sobrang higpit pero tinatapakan na 'ko ng mundo.
Nakausap ko ang Tatay ni Kaori, pati na rin ang mga kasamahan niya. Nagmakaawa na ako. Lumuhod na ako. Dahil 'yun nalang ang tanging paraan para matigil na, para matapos na.
"Mabuti naman at naisipan mo pang pumunta matapos mong hindi sumipot kahapon" napapikit nalang ako ng dakutin niya ako sa kwelyo.
"Ang tigas ng mukha mo ah" at binato niya 'ko sa sahig.
Nilakasan ko ang loob ko at pinilit na tumayo.
"Kakausapin ko si Tito" napaharap ito sa 'kin at tumingin na para bang nagpapatawa ako.
"At sa tingin ko papayag ako?" Dahan-dahan na lumapit ito.
"Limang minuto. Sapat na ang limang minuto" sabi ko at hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya.
Masyado siyang matalim tumitig at anytime bigla nalang siyang kikilos para saktan ako.
"Tumatakbo na ang oras niyo-----boys!Tara sa labas!" Nagsisunuran ang lahat sa kaniya at natira kami ni Tito dito.
Hindi na ako nag aksaya ng oras at inumpisahan ko na.
"Tito hindi ko na kaya 'to..." awa ang nababasa ko sa mga mata niya.
"Itigil na natin 'to, Tito. Huwag na tayong magpakaduwag. Pwede tayong sabay na umalis, magagawa natin 'yun---"
"Hindi ba malinaw sa 'yo na kapag umalis ako dito, idadamay nila ang anak ko?!" Gigil na sabi niya.
"Edi idamay nila! Kaya nga ho tayo nanditong dalawa para protektahan si Kaori. Kesa naman sa nandito tayo sa lugar na 'to at walang magawa. May mga kasamahan pa naman kayo 'di ba? 'Yung mga kasama niyo nung gabing unang beses kayong nagpakita sa 'kin" pagalala ko sa araw na 'yun.
"Bumaliktad na ang mga 'yon sa 'kin----pero Seth, masyadong delikado--"
"Magtutulungan ho tayo! Papayag ka nalang ba na hindi mo man lang makasama ang anak mo? Dahil ano? Dahil hinahayaan mong makulong ka dito.." nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya.
"Pwede kang lumaban nang kasama ang anak mo. Huwag mo pong hayaan na hindi mo man lang siya makasama dahil nangungulila rin siya sa inyo" lumambot ang mga mata ni Tito at nakita ko ang pangungulila niya sa anak.
Sino ba namang Ama ang ayaw magsakripisyo para sa anak?
Nasasaktan ang puso ko nang makita kong umiiyak na siya. Gumagalaw pa ang balikat nito kaya naman napayakap na 'ko.
"Piliin niyo pong makasama ang anak niyo" pati ako ay naiiyak na.
Simula nang maghiwalay si Mommy at Daddy ngayon lang ulit ako nakaramdaman ng yakap ng isang Ama.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...