Kaori's POV
Ilang paghanga na ang natatanggap ko mula sa trabaho. Naastigan sila dahil babae ako tapos ako yung nag dedeliver.
Bakit ko nga ba pinasok ang trabahong ito at ayaw ng alisan? Una sa lahat, hindi lang talaga ako natanggap sa mga inapplyan ko noon kaya bumagsak ako dito sa trabahong ito. Pangalawa, gustong-gusto ko talaga ang pagmomotor----hindi nga lang kasama ang pagkakarga ng mga box ng pizza sa likuran. Pangatlo, very friendly ang mga tao, lalo na ang boss. Kaya nga naka-close ko ang manager na si Jelay, hindi rin naman kasi nagkakalayo ang edad naming dalawa.
Dumagdag din si Tia na pinaka close ko sa mga katrabaho ko at huli sa lahat ay napamahal na 'ko sa trabahong 'to. Binuhay din kami nito kahit papa'no.
Ginagawa ko na ang morning rituals ko,may nakasampay na tuwalya sa kanang balikat ko at may subo-subo na sipilyo habang nakaharap sa salamin sa banyo. Minadali ko na ang pagtu-toothbrush dahil malelate na 'ko sa trabaho.
"Sia? May sulat na dumating para sa 'yo" pagkatok ni Nanay sa pinto ng kwarto. Nagmumog na 'ko at lumabas.
Sia ang tawag sa 'kin ni Nanay at pati na rin ang ibang malalapit sa akin.
"Para sa 'kin? Kanino raw galing?" Tinuro niya ang pinagpapatungan ng sobre at kinuha ko 'yon.
"Hindi sinabi eh" bumalik si Nanay sa pagluluto para sa umagahan namin.
Umupo muna 'ko at binuksan ang sobre. Pagbukas ko ay logo ng isang pamilyar na skwelahan ang bumungad sa 'kin. Inangat ko pa at nabasa ko na ang pinaka nilalaman ng sulat.
Request for admission
A pleasant day, Ms. Siandria Kaori Fuente!
We are excited to announce that you are requested to go to Valentin University this 10th of February for your admission to our school for our meeting. This is to inform you that neither passing the exam nor enrolling to our school, you are chosen to be one of our student.
Kindly email us immediately for your answer.
Yourstruly,
Mr. Kurt Valentin
CEOPagkatapos kong basahin ang nakasulat ay natulala nalang ako sa papel. Naririnig kong tinatawag ako ni Nanay pero hindi ako makasagot.
"Bakit ba hindi ka sumasagot diyan?" Huli na ng malaman kong nakuha na pala ni Nanay sa 'kin ang papel at binasa niya 'yun.
"I-ibig sabihin, mag-aaral ka na ulit, nak?" Magkahalong excitement at nalilitong sabi ni Nanay. Nagtutubig pa ang mata niya na akala mo ay nakakita ng kayamanan.
"Iyon ang nakasulat, nay" hindi ko alam kung pamimilosopo ba ang sagot ko dahil maski ako ay hindi ko alam ang sasabihin!
"Papasok ka na ulit, nak!" Hinatak niya 'ko patayo at niyakap ng mahigpit. Nararamdaman kong umiiyak na si Nanay at gusto kong maiyak dahil doon pero pinigilan ko.
"Pero nay, ang trabaho ko" bumitaw siya sa pagyakap at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
"Hindi ka naman pipigilang magtrabaho ng pag-aaral mo. Pwedeng maging part time job mo nalang 'yang pagiging delivery girl mo" paliwanag niya.
Umalis ako ng bahay ng iniisip pa rin kung bakit ako napasok sa skwelahan na 'yon. May isang tao na nasa isip ko pero ayaw kong mag-assume. Hindi niya gagawin 'yon.
Binabati ako ng mga katrabaho ko pagpasok ko sa pizza shop pero hindi ko sila magawang batiin pabalik. Masyado ng okyupado ang utak ko kaya wala na 'kong oras na kausapin pa sila.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...