Seth's POV
Mabilis na lumipas ang araw at weekends nanaman. Sa monday pa ang start ng klase ni MDG at sobra na akong hindi makapag-hintay na makasama siya sa iisang bubong----classroom pala.
May duty siya ngayong Sabado sa shop nila kaya naman para makita ko siya ay dinial ko ang landline number ng pizza shop.
"This is Circle In A Box, Good Morning!" Bati ng isang babae.
"This is Seth Zaragosa, usual order, please" natahimik saglit sa kabilang linya at parang may kinakausap pero sobrang hina, hindi ko marinig.
Halos araw-araw kasi akong tumatawag sa kanila at umoorder para lang pumunta si MDG dito dahil hindi ko siya mapuntahan kasi makakaistorbo lang ako at hindi rin naman niya 'ko mabibigyan ng oras. Lagi siyang wala sa CIAB dahil nag dedeliver.
"Hello?" Pagtawag ko.
"Sorry for that, Sir. Uh, Sir, may promo po ngayon ang CIAB, may buy one take one rin po for today. Do you want to order it instead, Sir?"
"I'll take the buy one taken one. Thank you" at binaba ko na ang tawag.
15 minutes ang hihintayin ko bago magpunta dito si MDG.
I was busy playing on my phone nang may nag-doorbell. Halos mabato ko ang cellphone sa kung saan-saan dahil sa excitement. Todong ngiti ang gumuhit sa labi ko nang buksan ko na ang pinto.
Pero kung gaano ito kabilis na gumuhit ay ganun din ito kabilis na nabura. Umakyat agad sa ulo ko ang dugo ko at sumilip agad ang galit sa dibdib ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Iniwan kong nakabukas ang pinto at pumasok na sa loob.
Ramdam ko ang pagsunod niya kaya umupo na 'ko. Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa niya dito at bakit pa siya nagpakita sa 'kin.
"Seth.." narindi agad ang tenga ko sa pagtawag niya. Ano pa kaya kapag nagsalita na siya diyan ng tuluyan?
"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko. Nakatingin lang ako sa harap at pinapakita ko talaga na wala akong interes sa sasabihin niya.
"Babalik na 'ko sa bahay" sabi niya.
Napa-iling nalang ako at pekeng tumawa.
"Hanep ah. Bumalik ka ng hindi ka naman pinapabalik? Bakit?" Hindi makapaniwalang tingin ang pinukaw ko sa kaniya. Nagsimulang magtubig ang mga mata niya at yumuko.
"Well, ayos lang sa 'kin na bumalik ka doon kasi wala naman na 'ko dun. So, wala namang problema sa 'kin kasi hindi naman kita makikita" deretsong sabi ko sa kaniya.
"Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa 'kin, Seth?"
"Hindi ako makapaniwalang nasukat mo kung hanggang saan ang galit ko sa 'yo, Mom. Hindi ko kasi masukat eh" alam kong napaka-bastos ko ng pakinggan ngayon pero hindi ko talaga mapigilan ang galit ko sa mga oras na'to. Walang makakapigil.
Nabigla ako nang hawakan niya ang mga kamay ko.
"I'm sorry, Seth, please for---"
"No!" Hinatak ko ang kamay ko sa kaniya at tumayo.
"Mommy, ako na ang nakiki-usap sa 'yo,umalis ka na dahil ayaw kong pagmukhain ang sarili kong sobrang bastos na anak dahil sa 'yo. Just...get out" pigil na inis kong tinuro ang pinto.
Hindi pa rin siya tumatayo at panay ang punas niya sa luhang walang tigil sa pag-agos.
"Go!" Malakas na sigaw ko kaya napatayo na siya. Naglabasan din ang mga katulong at magsasalita na sana at nang makita kung sino ang dahilan ng pagsigaw ko ay umatras na sila.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...