LTMH-16: Remembering

1.5K 35 0
                                    



Queen's POV


Inaantok pa ako. Nakakainis naman e.


Ngayon nakasakay ako sa sasakyan nya at tahimik lamang kame buong byahe, di naman gaano kalayo ang mall sa University. Nang makadating kame sa University may mangilan ngilan na studyante na nag uusap habang palabas, at yung iba ay kumakain. Break siguro.


Naglakad na kame at sinundan ko lamang sya sa pag lalakad. As usual, ang mga estudyante na nasa loob ng rooms ay nakasulyap na naman sa dereksyon namin. Ayoko talaga sa atensyon nila. Masyadong sagabal.


Hanggang ngayon wala padin akong nagagawa na galaw para makuha ang korona. Ano kaya ang magandang approach kung tatanongin ko sya? Pede kayang 'Uy Ivan, may korona ka ba? Pedeng akin nalang?' Pero mukha namang tanga kung mag tatanong ako non out of the blue. Napatingin ako sa paa ko habang nag iisip.


Napabuntong hininga ako. Mag hihintay nalamang ako para sa tamang tyempo. Alam kong matratrabaho ko to ng maayos. Napatingin ako sa paa ko habang nag iisip. Pano kaya kung mag espiya na muna ako sa mafia nila? Tsaka ko kukunin kapag alam ko na kung nasaan ang korona.


Napatigil ako ng maramdaman na tumigil din sya. Itinaas ko ang aking tingin sakanya at nakitang nakatingin sya saakin na may ngisi sa labi.


"Miss Hermosa. Kamusta po dito?" Magalang na bati ni Ivan sa namamalakad sa Guidance Counciling. Tumango si Miss Hermosa at ngumiti bago sumagot.


"Maayos naman. Onti nalang ang mga estudyante na nagagawi dito"


"Ganon ho ba?"


"Eh kayo? Bakit kayo napunta dito?" Tanong nya.


"Eh ano po kase. Detention?" Nangunot ang noo ni Miss Hermosa sa sinabi ni Ivan. Oo nga naman.


"Nang bubully ka na naman ba at idinamay mo pa si Ms. Shimizu?" nakataas ang kilay na sabi ni Miss Hermosa. Para bang biglang nag bago ang kanyang aura. Mula sa pagiging mabait naging masungit.


"Nag cutting kame Miss. Di na ko pati nang bubully ngayon." Napakamot sa batok si Ivan.


"Cutting e hindi ba't morning class ka? Nakita naman kitang um-attend ng klas-" di natapos ni Miss. Hermosa ang sasabihin.


"Okay. Sige just help me with these files." atsaka nya ipinakita saamin ang mga stack ng papeles na nasa lamesa nya. I want to sleeo right now! Alam kong di ko magagawa ng maayos yang pinagagawa saamin.


"Wait... you look tired.." Nangungurap ngurap pa ako. Medyo inaantok pa kase talaga ako. Bahagya kong kinusot ang mata ko para di na ito antukin pa pero inaantok talaga ako.


"Sige just seat there and watch me do the work ok?" Hinawakan nya ang kamay ko ng tinangka kong abutin ang papeles. Taka ko syang tinignan.

Loving the Mafia Heir  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon