Queen's POV
Sitting on the side of the window, pinagmamasdan ang tila laruang mga gusali na nagmimistulang mga figurines lang mula dito sa taas. Kitang kita ang kabuoan ng Tokyo at ang ilang bayan na nakapalibot dito. Napapangiti ako pag naiisip kong makakaalis din ako ng Tokyo.
Siguro nag tataka na kayo bakit gusto kong mapahiwalay sa mga Magulang ko? Isang rason lang! Yon ay dahil kailangan kong magtago. Mag tago para di ako matunton ng mga kaaway na ibang Mafias ng Mafia Org namin. Dahil once makilala nila ako, panigurado na araw araw akong palipat lipat ng bahay dahil araw araw ding may gigiba ng bahay na titirhan ko.
Kaya dahil sa pag tatago kong iyon, magkaiba kame ng bahay na tinutuluyan ng mga magulang ko. Once a week pumupunta sila sa bahay na pinag iistay-an ko, since day one naging ganto na ang set up.
Ngayon makakawala na ko sa pagtatago. Ang kailangan ko nalang ay i-enjoy ang kalayaan nato hanggang sa matapos ang misyon ko. Nakakasawa ring lagi kang tago ng tago, di ko din makabonding ang mga Magulang ko at maging normal na pamilya na nagpupuntang amusement park, dahil tyak na pag ginawa namin yon may naka abang ng mang a-assassinate saakin paglabas palang ng bahay.
*******
"Ladies and Gentlemen, we have arrived the destination. You may now remove your seatbelts" di muna ako tumayo, ayokong pag tayo ko may mga makakabangga pa ako, nakakairita yon.
"Ma'am?" Napalingon ako sa kumuhit saakin. Isang stewardess. Napansin kong wala na palang tao. Tumayo na ako at lumabas na ng eroplano. At doon bumungad saakin ang iba pang mga taong galing ding Japan at iba pang mukhang bakasyonista. Isinuot ko ang shades ko't dumeretso na sa kuhanan ng maleta, mabuti naman at mabilis kong nakuha ang akin. Hila hila ko ang maleta ko papalabas kung saan merong mga taong nag aabang para sa nga sinusundo nila, di na ako mag eexpect nang sundo pero-
"Our QUEEN" Bigkas ko sa isang malaking banner na hawak ng dalwang tao, nasa bandang dulo sila sa likod ng iba pang nag iintay. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng banner nayon at bumaba ang banner agad namang nay dalwang babae na tumakbo patungi sa dereksyon ko. At dahil susunggaban nila ako, mabilis akong umiwas at pumunta sa kanang bahagi ko kaya ang maleta ko ang nayakap nila.
"We miss yooouu!" sigaw nilang sabay. Ingay. Napatingin tuloy ang ilang tao saamin. Napailing ako sa kanila.
"Wala bang I miss you too dyan?" Tinignan ko lang sila ng blangko.
"Sabi ko nga e." napakamot si Faye ng ulo nya. Nginisian ko lamang sila.
"So ano naman ang naging dahilan at ika'y naparito Reyna? Di naman kase pedeng kame ang dahilan." nagtatampong tono na sabi nya. Kaya nabatukan ko sya, anong iniisip nila? Di ko talaga sila na-miss. Kahit naman ganto ako, kaibigan ko padin sila.
BINABASA MO ANG
Loving the Mafia Heir [ COMPLETED ]
Romans[FIRST BOOK OF THE MAFIA SERIES] ******* "Ivan." "Queen. I need to tell you someth-" "Its fun playing with you Ivan." "Ivan. I need to end this game of ours" I'm sorry, Ivan. I need to do this, tayo lang din ang mahihirapan, hindi tayo pede. I love...