LTMH-4: Being the Gorgeous Transferee

3.2K 51 0
                                    


Queen's POV


Sitting pretty ako dito sa sala ni Adriel, habang pinagmamasdan si Faye na busy panunuod ng anime sa TV. Kailan ba sya titigil sa kakanuod nya nyan? E feeling ko nga tapos na nyang mapanuod lahat ng Anime dito sa mundo. Simula bata kase nanunuod na sya nyan.


"Ah oo nga pala! Yung uniform mo Queen. Na deliver na dito" tumango nalamang ako at tumayo. Siguro ilinagay na nya ito sa kwarto ko. Umakyat ako at nakita ang paper bag na nakapatong sa kama ko. Kinuha ko ang nakalagay doon at don ko nakita ang nakaplastic na uniform. Nakita ko na ito sa mga pictures pero di ako sigurado kung babagay to sakin.


Napairap nalang ako sa iniisip ko. Di bale, lahat naman ng damit bumabagay saakin. Ilinapag ko na ang uniporme at inayos ang bag ko, mga papeles na kailangan kong i-submitt sa school bukas, papasok agad ako kahit di pa ako nakakapag settle ng mga transfer files. Lilibutin ko nalang kahit di pa ako official student.


Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng makarinig ako ng yabag ng paa, paniguradong si Adriel dahil mabagal ang lakad nito at hindi magaslaw gaya ni Faye.


Di paman nakakakatok si Adriel, sinalubong ko na ito. Di na nagulat si Adriel na alam kong padating sya at may inabot nalamang sakanya. Kinuha ko yon at nag pasalamat. Tumango nalang si Adriel at bumalik na sa baba. Isinara ko ang pinto at binuksan ang envelope na ibinigay saakin.


Mga papeles ang nasa loob. Isa isa kong pinasadahan ng tingin ang papeles, ah. Tungkol lang pala sa misyon ko ito. Dat di na nag abala pa si Mom dahil tapos ko na ang research ko, pero sabagay may nadagdag padin na ilang impormasyon tungkol sa Prince Ivan na yon.


Sa mga nababasa ko, I kinda think he's one of those badboys or bullies on the school. Base sa information dito, he is into car racing, loves coffee, black ang most all of his outfits? may mga picture kase na nakalagay dito, at almost all pictures he is wearing black. He doesn't like children. Mahilig sa ballad music!? Didn't expect that. Isang bag boy mahilig sa ballad. Napapailing ako. I'm discriminating him without his knowledge.


Madami dami pang mga infos about him. Yung iba about sa mga past relationships nya, about sa family nya, personal interests and some were about the mafia. Ibinalik ko ang papeles at tumungo sa drawer ko, kailangan ko itong itago. Pero di dapat basta dito lang. Kailangan kong magpa-lagay ng vault dito to hide this. I'll just text mom later.


"Queen. Will you cook for me?" Kanina pa ko kinukulit netong si Faye. Nandito na ako ngayon sa salas, drinking cold water, para maibsan ang pag iinit ng ulo ko dahil dito sa kanina pang nang bubulabog na babaeng to. Pede naman syang mag padeliver gusto pa nahihirapan ako.


"Bilis na Queen."


"I'm hungry."


"Mamamatay na ko sa gutom."


"Di ka ba nagugutom?"


"Malamig pa ba yan?"

Loving the Mafia Heir  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon