LTMH-33: Lie

1.4K 32 1
                                    


Queen's POV

My heart is beating so fast I feel like I'm running a marathon. Cold sweat is falling down from my forehead, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Kase naman ang tanga, tanga tanga tanga mo Queen.

"I- I got to go." Itinulak ko sya papalayo saakin na ikinagulat nya. Pain present in his eyes.

"Q-Queen." Mahinang tawag nya pero hindi ko sya pinansin. Hindi pwede to. Hindi to tama, hindi pwede.

Mabilis akong tumakbo papunta sa parking lot at nag decide na mag ditch nalang ng classes. Wala na, nasabi ko na. Guguho na ang mundo ko! Pano na ko makaka pasok ng University ng maayos, pero-

Hindi naman talaga ang pagpasok sa University ang kailangan kong intindihin, bakit ba nag papaka-stressed out ako ng dahil don? Pede namang pumunta nalan ako sa bahay nila at kunin ang korona para matapos na.

Pero parang ayaw ko pading umalis kahit na alam kong pede naman akong umiwas nalang at pasimple na kunin ang korona pag nakahanap ako ng tamang tyempo. Mahal ko ba talaga sya? Mahalaga na ba talaga sya sakin kaya nag dadalawang isip akong umalis?

Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa bar ni Cobra at may hawak na baso na puno ng alak. Kanina nga tinanong pa ako ng bouncer kung nasa tamang edad na daw ba ako para mag bar, ipinakita ko lang sakanya ang maskara ko sa bulsa atsaka sya tinignan ng blangko. Dahil sa ginawa ko nakita kong namutla sya at pinadaan ako.

Siguro bago lang sya sa Gang ni Cobra.

"Yo Queen! Anong atin? Nanggugulo ba ulit yung mga lalakeng nakaitim?" Nang umupo ako sa bar stool andon si Shawn na kumukuha ng bote ng wine.

"Hanggang ngayon pala nag nanakaw ka padin ng alak ni Xander, kaya kayo laging nag aaway e." Iiling iling na sabi ko sakanya.

"Hindi ako nag nanakaw, eto an bayad nya sakin sa pag d-dj ko dito." Na-nakapag pairap sakin.

"Bat kelangan ka pang bayaran? E nag prisinta ka nga diba? Gaguhan ba to Shawn?" Natawa sya sa sinabi ko at lumapit sa akin para pisilin ang pisngi ko, ng sobrang diin.

Pigilan nyo ko mapapatay ko to.

"Tigilan mo nga ko Shawn." hinuli ko ang dalwang kamay nya at pinilipit.

"Sht, aray! Bitaw! Bitaw!" Pagpalag nya habang sigaw ng sigaw. Akala mo sobrang sakit makahiyaw.

"So bakit ka nga nandito?" tanong nya ng makalipat kame sa isang table at makaupo ng maayos.

"Bakit masama ba?" pabalang kong sagot tsaka masama syang tinignan. Tinaas lang nya ang dalwang kamay nya sa ere.

"Sige jan ka nanga muna. Mukhang si Xander ata ang hanap mo, tatawagin ko lang. Wait." Hindi naman si Xander ang hanap ko pero siguro gusto ko din sabihin sakanya.

Pero teka diba nasa university sya kanina lang?
Bakit nandito na agad. Minabuti kong sumunod kay Shawn at ako na mismo ang pumunta sa kinaroroonan ni Xander. Pagkabukas na pagkabukas ng ng steel door sinalubong kame ng ungol.

"Aah. Kaya pala wala ka na sa University" sabi ko na nakapag patigil sakanilang dalwa ni Xander. Namukhaan ko ang babae, sya yung babae sa storage room.

Kinawayan ko sya at binalingan si Xander. Naalala ko si Casper kay Xander ngayon, mukhang hindi naman sya seryoso dun sa babae, kaya kahit hindi si Faye yun babae feeling ko nasasaktan padin ako para sakanya kase pinag lalaruan lang ni Xander ang puso nya. Agad silang nag hiwalay at nag tago sa likod ni Xander yung babae, tas si Xander inayos ang damit nyang parang hindi naplantsa sa sobrang gusot.

Loving the Mafia Heir  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon