LTMH-32: Confessions

1.4K 30 0
                                    


Ivan's POV


I'm still stunned because of what happened. Una hindi ko kase alam na ganon pala kalakas ang kamay ni Queen para kamuntikan ng mahulog si Casper sa sahig dahil sa suntok nya, at pangalawa dahil ginago nya yung bestfriend ni Queen. 



Kinuwento nya na saamin ang mga nangyare, sabi nya di naman daw nya alam na ganon na pala ang nararamdaman sakanya nung nerd na si Faye, tas nung biglang nag confess si Faye sakanya nawalan na sya ng interes kase ayaw nya ng commitments, sinabi nya ng deretsa na hindi mutual ang nararamdaman nila at wala syang ibang gusto kay Faye kundi ang mga assignments, projects at good fck na binibigay ni faye, wala ng iba.



"Alam mo kahit kaibigan kita, kailangan kong gawin to." Matapos kong sabihin yon mabilis ko syang sununtok kaya nahulog sya sa sahig. Inilahad ko ang kamay ko para tulungan syang tumayo.


"Ang gago mo pre. Sobrang bait ni Faye satin! Kaibigan natin yon bro!" yan na nagsalita na si Mirco kailangan ko ng manahimik.


Mahirap na baka ako mapagbuntungan ng inis ako pa mabungangaan, masamang magalit yan e, nagiging halimaw na madamin bunganga. Grabe makasermon. Pero I admit, magaling sya mag advice at gumawa ng judgement. Ngayon palang nakikita ko na sya bilang isang magaling na lawyer.


"Alam mo bang napakagago mo sa ginawa mong yon! Napaka gago mo. Tangina pre, babae yon! Iginagalang at rinerespeto, hindi binababoy hindi pinaglalaruan, hindi sinasaktan. Pano pag balang araw nag backfire sayo yang ginagawa mo, yang pagdi-disregard mo ng feelings ng isang babae at pananakit, pano pag ikaw naman ang lokohin at sabihin na laro lang ang lahat ng ginawa nyo? Matutuwa ka ba!? Mag isip ka nga. Simple lang naman e, kung nabobored ka at kating kati kang makipag sex pumunta kang bar at makipag ons ka! Hindi yong kumukuha ka ng babaeng hindi sanay sa mga ganyang bagay, alam mon hindi ganong babae si Faye!" Hindi nakasagot si Casper sa mga sinabi ni Mirco tama si Mirco. Maling mali si Casper don.


"Bakit ba kase si Faye pa?!" Nagulat ako sa pag sigaw ni Mirco kay Casper ok woah? Bakit parang iba yung pagkakarating non saakin. Iba yung tono ng boses ni Mirco.


"Ewan! I found her challenging, kase nag reresist sya. Di sya madaling pakisamahan at ibang iba sya sa ibang babae na tignan ko palang magkakagusto na sakin! Iba sya." di maexplain ni Casper ng maayos ang sinasabi nya at mukhang naguguluhan na din sya.


"Do you have feelings for her?" Deretsang tanong ni Mirco kay Casper.. Napatigil si Casper at hindi nakasagot.


"I- I don't know." Tulalang sabi nya.


"Kase ako oo." I immediately shot Mirco a what the fck look.


"Kase ako gustong gusto ko si Faye. At hindi ako magiging mabait na kalaban, I won't play fair. Or lets just say I don't want competition, kaya ngayon palang I'm telling you to back off." Malamig na sabi ni Mirco kay Casper at nakanganga padin ako dahil sa sinabi nya. Did he just? Confessed!?

Loving the Mafia Heir  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon