LTMH-36: Endurance

1.3K 27 0
                                    


Ivan's POV

Its been a whole month since the day Queen disappeared from sight. Pero nandito padin sya sa isip at puso ko, binabagabag ako. Totoo ba ang lahat? Lahat ng sinabi nya? Totoo ba yon. Kase pakiramdam ko lahat ng nakita ko mula sakanya totoong totoo, yung kislap sa mata nya lahat yon totoo. Well siguro para saakin, her act is fcking believable.

"Ivan... Tama na 'yan. Lasing ka na" iniiwas ko ang kamay ko kay Mirco na inaagaw ang alak na hawak ko sa kanang kamay ko.

"Ano ba? Bakit ka ba nandito tsk.." Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa inaasal ko. I've been like this since then. This is the only way to forget. To forget her.

"Ivan oo nga. Lasing na lasing ka na e." Naramdaman ko ang marahan na pag himas ng babaebg leader ng cheering squad sa pisngi ko. And this, this serves as a very huge distraction.

Pero hindi ko padin maiwasang maisip na sya ang kasama ko kada may iba akong kasamang babae, kaya lagi akong humahanap ng ibang babae na malayo sa mukha nya. Pero sya lagi ang nakikita ko sakanila.

"Can you leave? You're irritating." Pabalang kong tinanggal ang kamay nyang nakapulupot saakin at pinanuod syang mapanganga dahil sa ginawa ko. I don't care, I awfully feel guilty for no goddamn reason.

"Ivan are you hearing yourself right now? Kakasimula palang natin maging official tas pinapaalis mo agad ako?" Maarteng sabi nya. Tsk. 'nya' Hindi ko alam ang pangalan nya. I don't need to, I don't want to.

"Aah talaga ba? Di ako na-inform. I can't remember asking you out, sa pagkakaalam ko kase bigla ka nalang kumapit sa braso ko at sinundan ako buong araw." tinignan ko sya ng masama na nakapag paatras sakanya. I'm so pissed off right now, and she is being a fucking nuissance.

"Umalis ka na bago ko makalimutan na babae ka." Tsaka ko ipinokus ang sarili sa pag inom ng alak na hawak ko.

"Ivan you, Jerk! I hate you." Naikina ngisi ko, go on hate me all you want. I don't even give a fucking damn about anything you'll throw at me.

"Bro. Don't you think this is enough. Tumigil ka na kaka-ganyan. It's been a month already." I shot Mirco and Casper a glare. Hindi nila alam ang nararamdaman ko ngayon kaya nila nasasabi yan. Hindi nila naramdaman yung sakit nung sinabi ni Queen na nakikipag laro lang sya saakin! Hindi nila alam yung parang unti unti akong pinapatay noong nakita ko si Queen at Xander na magkasama. Hindi nila alam!

"Nasasabi nyo yan kase wala kayong alam! Masakit Mirco! Masakit! Sobrang sakit." Naibato ko sa ang hawak kong baso at sinipa ang cofee table na nasa harap ko sa sobrang galit.

"Alam ko bro, pero kailangan mo ng magpatuloy sa buhay mo ngayon, na wala na si Queen. Tanggapin mo na yon. Naglalaro lang sya, hindi ka nya minahal." dahil sa sinabi nyang yon lalong nag init ang ulo ko at hindi ko namalayang umamba na pala ako ng pag suntok sakanya. Tsaka ko lang napansin ng pinigilan na ako ni Casper.

"Ivan!" Napaupo muli ako sa sofa, nanghihina.

"Sorry." Mahina kong usal sa kanila.

Di ko na alam ang nangyayare saakin, basta ang alam ko. Mahal na mahal ko sya hindi ko sya kayang pakawalan, kahit makasakit pa ako ng ibang tao, wala akong pake!

Akin ka lang Queen. Akin ka lang. Ayaw mo man makukuha kita. Babalik ka sakin.

*******

Queen's POV

"Queen? Pano na." Pagod na pagod na sabi ni Faye na kasabay kong nag eensayo.

"Anong pano na?" Liningon ko sya at sinalubong nya lang ako ng isang irap. Anong problema neto?

"Di ka kase nakikinig saakin. Tinatanong ko kung paano mo makukuha ang korona?" Napabuntong hininga ako. Di ko din alam, pero basta makukuha ko yon. Di ko nalang sya pinansin at nag patuloy sa pag suntok ng punching bag.

"Sabagay pedeng pede ka namang pumuslit sa Safe House nila." Pinag isipan ko na din na ganyan ang possible na gawin ko, pero alam kong madaming mga gwardya at cctvs ang nakabantay doon, kaya hindi magiging madali.

"Bahala na. Mamaya ko na iisipin." matapos non iniwan ko si Faye sa gym at tumungo sa kwarto ko dito sa HQ. Mahigit isang bwan na din matapos yung mga ginawa ko kay Ivan.

God knows how much I hurted because of those things I said to him, sobrang sakit noong nakita ko syang umiyak noong araw na yon. Pero hindi non matutumbasan yung sakit noong nakita kong may iba na syang babae.

"Fck you Queen. Wala ka dapat nararamdaman na sakit ngayon, you broke up with him. Ikaw dapat ang nag sasaya. Wala kang karapatang masaktan." Pagbulong ko sa mga salitang yan, I was really thinking the opposite.

Wala syang karapatang maging masaya, kase nasasaktan ako habang nakikita syang masaya kasama ang iba. It hurts and I feel like dying everyday when I see him go from one girl to another.

"Why am I so complicated?"

Matapos kong mag muni muni sa kwarto lumabas ako ng nakaayos na ang damit, plano ko sanang magpalamig ng ulo. Kailangan kong makapag isip isip. To end all the suffering and my connection to Ivan, kailangan ko ng kunin ang korona.

At ngayon nakabuo ako ng plano sa isang payapang lugar kung saan pede akong makapag isip ng maayos.

I watched the trees danced with the music of the wind. Napaka ginhawa tignan. This is what a suffocated girl needs, a fresh air to breath in.

I've always loved the nature and trees. They look so peaceful and graceful. Pero may iba pading sinisira ang kagandahan nila for their own good. Its funny how men's mind work. A problem is never a solution. And the problem should not be dodged, kailangan tanggapin ang problema para masulosyonan.

Pero-

I'm no difference if I think deeply and thoroughly. I'm solving the problem by dodging it. The problem that Ivan might hate me if he knows that I'm a mafia heir, that he might loose all the feelings he have for me.

"I'm a coward." Everybody is... But there's really some people brave enough to face consenquences of reality. I wish I can be one brave bitch that can take all the hit Ivan has for me.

I should've held onto our relationship and fight for my feelings, pero pinili kong bumitaw sa takot na baka iwan nya lang ako pag nalaman nya ang lahat ng tungkol saakin. I don't want him to see my scars, they're so ugly.

I don't want to face the day when Ivan will walk out on me and shut the door, so I didn't prolong the inevitable thing to happen. Mas ok na yung ako nalang ang mahirapan ngayon at masaktan kesa naman sobrang saktan ko sya kapag nalaman nyang linoloko ko lang sya all this time-

Ay wait. Masasaktan nga ba sya? Hindi nga pala nya ako minahal. Kase ngayon mukhang hindi naman talaga sya affected. It's so stupid of me to think that he will have feelings for me. Nakalimutan kong masaya na nga pala sya sa iba ngayon. Sa pag talon sa iba't ibang babae.

Dapat wala na kong pake hindi ba? Pero masakit talaga isipin e. Masakit tanggapin lahat ng to ng mag isa. I feel like dying. But I need to endure it. It's all my fault. Hindi dapat ako nahulog sayo Ivan, alam ko naman kaseng hindi mo ako masasalo.

*******

Loving the Mafia Heir  [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon