Queen's POV
"Ano ba talagang nangyare Queen?" Nakakungot noong tanong ni Lucifer habang nakatingin kay Xander na ginagamot ng doktor na dinala nila. At kagaya ng sinabi ko, bago mag limang minutos nandito na sila. Nasa malalang kondisyon si Xander dahil nawalan sya ng madaming dugo at malalim ang saksak nya.
"I took care of everything. But what happened to cobra is still a puzzle to me. Di ko alam ang nangyare sakanya since nag hiwahiwalay kame." Tumango tango nalamang sya. Pinanuod naming propesyonal na tinahi ng doktor ang sugat ni Xander. Tulog na si Xander, kung pagmamasdan ang natutulog nyang mukha iisipin mo na walang nangyayare sakanya, ang payapa kase ng mukha nya.
"Gumising ka na oy." Tinapik tapik ko ang pisngi nya at natuwa dahil an lambot nito. Sinundot sundot ko ito pero di talaga nakakasawa pindutin e, di lang ako titigil hanggat walang nag sasabi saking tumigil ako.
Ngayon ko lang napansin na ang taba pala ng pisngi ni Xander. Na cu-cute-an na tuloy ako sakanya.
"Queen. Tama na yan. Maiistorbo mo ang tulog ni Cobra." Narinig kong sabi ni Timothy sa likod ko. Kaya naman napatigil ako gaya ng sabi nya.
"Di kaya yan magigising. Binigyan kaya sya ng pampatulog at anestisia kaya di sya makakaramdam." Irap ko sakanya. Pero napangisi lang sya saakin. Kinakunutan naman ng noo ko yon.
"Kailangan mo ding sumama saakin sa Eastwood University" nangunot na lalo ang noo ko. Teka? Ibig sabihin ba don sya nag aaral o may kailangan lang sya doon?
"Dun ka nag aaral?" Tanong ko.
"Oo. Business bakit?" Lumingon ito saakin. Nasa unahan ko kase sya at naglalakad na kame tungong garahe ng bahay ko.
"Business ako." Tumango tango sya.
"Lahat kame don nag aaral. At lahat din kame Business"
"Pero di ko kayo nakikita doon?" Tumango sya. Marahil di sila pumapasok.
"Di kame pumapasok. Lagi kameng nakatambay sa HQ" that explains it. Matalino naman yang mga yan, kaso tamad.
"So bat tayo pupuntang Univ?"
"Papasok? Ano pa ba." napairap ako. Akala ko naman kung anong importante.
Ilang minuto, nakarating kame ng school. Mabilis din magpatakbo tong kumag na to kaya napabilis kame. Naunang lumabas ng sasakyan si Timothy at pinagbuksan ako ng pinto, pagkababang pagkababa ko ng Kotse rinig ko na agad ang pagbubulungan ng mga tao sa Univ.
"Sikat ka ba dito?" Bulong ko sakanya. Pero nag kibit balikat lang sya. At hinila ako patungo sa classroom.
BINABASA MO ANG
Loving the Mafia Heir [ COMPLETED ]
Romance[FIRST BOOK OF THE MAFIA SERIES] ******* "Ivan." "Queen. I need to tell you someth-" "Its fun playing with you Ivan." "Ivan. I need to end this game of ours" I'm sorry, Ivan. I need to do this, tayo lang din ang mahihirapan, hindi tayo pede. I love...