Happy New Yeaaar!🎆🎉
Ivan's POV
Matapos mag collapse ni Queen. Di ko malaman kung anon gagawin ko. Hanggang sa bumangon mula sa pagkakaupo si Yera, akala ko aatakihin nya kame pero an ipinagtaka ko. Lumapit sya saakin at tinulungan akong buhatin si Queen.
"Hello.... Oo. Dalhin mo yung kotse ko dito." Ilang minuto kameng naglakad at lumabas kame sa gubat, doon sa labas may nag hihintay na samin na sasakyan. Agad nila kameng tinulungan at masama akong tinignan, pero ingat na ingat nilang ipinasok sa sasakyan si Queen.
"Dalhin natin sya sa Ospital sa Manila. Bilisan mo!" Pasigaw na sabi ni Yera sa lalaking nagdala ng sasakyan.
"Yera... Alam mong magagalit si Master-"
"Ako ang bahala! Basta bilisan mo na!" At pagkatapos non mabilis ang pagpapatakbo ng lalake kaya medyo nabilisan kame. Mabilis nga kameng makakabalik kaso- di ko padin matanggal ang kaba ko dahil sa patuloy padin na pag dudugo ng sugat ni Queen.
"Wala na bang ibibilis pa yan?" Inis na sabi ko sakanila.
"Eto na ang pinakamabilis na itatakbo netong sasakyan. Wag ka ngang mag utos sakin wala kang karapat-"
"Manahimik ka na nga lang Cole! Bilisan mo nalang ang pagpapatakbo!" Wala ng ibang nagawa ang lalaki at pinatakbo nalang ng masmabilis ang sasakyan. Tinignan ko ang pulse ni Queen at medyo gumaan ang pakiramdam ko ng mapagtantong normal pa naman ang paghinga nya.
"Stay with me Queen."
******
Nang makarating kame sa hospital agad na isinakay sa isang stretcher si Queen. Tinanong ako ng doktor ng ilang tanong tungkol sa sugat na nakuha nya. Sinabi pa nya sakin wag daw ako mag alala kase safe sya sa kanila, alam ko namang magagamot pa si Queen pero kinakabahan padin ako.
Ilang oras in-examine ang katawan ni Queen, nakakita sila ng bali sa katawan neto at internal bleeding sa abdomen, nagkaroon din sya ng mild concussion. Kung titignan mo lang hindi mo aakalain na ganon na ang nangyare sa katawan nya.
Umupo nalang ako sa isang upuan at hinintay ang paglabas nila sa operating room. Kailangan daw kaseng operahan si Queen, dahil sa internal bleeding at sa ilang mga bubog na bumaon sa braso nya.
Ako din naman nag undergo sa ilang tests at ang nakita lang nila saakin ay mga sugat na hindi naman ganon kalalim at walang wala to kumpara sa nangyare kay Queen. Naiinis ako sa sarili ko, dahil hindi ko agad naagapan ang mga nangyare, kung nasulusyonan ko sana ng masmaaga hindi magkakaganito si Queen.
BINABASA MO ANG
Loving the Mafia Heir [ COMPLETED ]
Romance[FIRST BOOK OF THE MAFIA SERIES] ******* "Ivan." "Queen. I need to tell you someth-" "Its fun playing with you Ivan." "Ivan. I need to end this game of ours" I'm sorry, Ivan. I need to do this, tayo lang din ang mahihirapan, hindi tayo pede. I love...