Nasa may puno pa lang siya ng hagdanan nang maamoy niya ang ginigisang bawang.
Mukha maaga nagising si Nanang Cora.
Bumaba na siya nang hagdanan at tinungo ang kusina. Pero agad din siya natigilan nang maamoy niya ang pamilyar na amoy iyun.
Ysai...
Pinanuod niya ang pagkilos ng dalaga sa harap ng kalan.
Napatitig siya sa kabuoan nito.
Nakapusod ang mahaba nitong buhok na inipit lamang gamit ang isang lumang chopstick.
Naningkit ang mga mata niya. She look more adoring. Lumitaw ang mahaba at morena nitong leeg. A sexy neck.
Napakuyom siya ng kanyang mga palad.
Ysai is very adorable girl unless na lang sa pagiging clumsy nito. But she's cute because of that.
Now you admit it na nagugustuhan mo na siya?!
Napabuga siya ng hininga at tila iyun ang cue para mapalingon sa kanya ang dalaga na ngayon ay may hawak na bandehado dahil alam niya na magugulatin ito agad na kumilos siya para saluhin iyun bago pa nito iyun mabitawan.
Marahas ito napasinghap sa ginawa niya paglapit rito.
Hawak niya ang bandehado na hindi ata nito namalayan na nabitawan na nito.
Nakaawang ang bibig nito sa kanya.
"S-Señor!" singhap nito pagkaraan na matauhan.
"Muntik ka na naman makasira ng gamit.." matiim niya saad at ibinalik rito ang bandehado.
"P-pasensya na po..Nagulat lang po ako.." kabado na nito turan.
He sighed. "Bakit ang aga mo nagising?"sita niya rito.
"Uhm,maaga po ako nagising,Señor..para po iinitin na lang ni Nanang mamaya.." aniya.
Naningkit ang mga mata niya rito.
"Hindi ka sasabay ulit?"
Natigilan ito saglit. "Uhm,nakakahiya po kasi ang dami ko ng kasalanan sa inyo.." atubili nito sagot.
Bumuntong-hininga siya.
Mukha madamdamin pa ata ang dalaga.
"It's alright,kalimutan mo na yun hindi mo naman sinasadya yun," aniya.
"Hindi po talaga kayo galit sakin?"
"Sa tingin mo nandito ka pa kung galit ako sayo?"
Maya-maya pa ay sumilay ang matamis nito ngiti sa mga labi. Her cute dimple show up.
Wala sa sarili na umangat ang kamay ng binata at dumapo yun sa pisngi ng dalaga.
She gasped. Bigla naman natauhan ang binata agad na binawi niya ang kamay rito.
Tumikhim siya.
"Sige..ikaw na bahala rito.." pormal niyang saad.
Nanatili nakatitig lang sa kanya ang dalaga.
Nagulat din sa kanyang ginawa.
Shit!
Nalukot ang ilong niya ng makaamoy na tila may nasusunog.
"Nasusunog yung niluluto mo!" bulalas niya.
Dahil alam niya matataranta ito,hinila niya ang dalaga at siya na ang pumatay sa kalan.
Sabi na eh,kung hindi siya alerto para sa babae ito malamang napahamak na ito.
Natigilan siya ng makita ang ayos nila ng dalaga.
Nakadikit sa kanya ang katawan ng dalaga na tila naestatwa lang.
Bahagya siya lumayo rito. Dinig niya ang napakalakas nitong pagtibok ng puso.
Apektado ito sa kanya.
You heard her that she's having crush on you,right..
Napatiim-bagang siya. May bigla pag-iinit siya bigla na bumalot sa katauhan niya.
What the hell is that?!
Tumikhim siya.
"Mabuti pa,hintayin mo na si Nanang cora.." aniya at agad na tinalikuran ito.
Hell,there's something wrong with him.
Nag-iinit siya! Fuck that!
----
Hello to iloveukiss21 di kita mareplyan haha ..ano lang,ginagawa ko kasi is nagnonote lang ako. Nang bawat plot ng bawat series tapos ako na bahala palawakin basta may note ka sa gusto mo tema..write down para guidelines mo sa isusulat ..hehe ganern lang hehe sana nakatulong..Salamat
![](https://img.wattpad.com/cover/131247590-288-k553900.jpg)
BINABASA MO ANG
Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prinnce #Brownwolf #Romance #Mate