"A-aww! Nanang,masakit!" daing niya nang lagyan ng alcohol ang nasugatan niyang palad. Natusok kasi siya ng tinik ng ligaw na baging na hinawakan niya kanina.
"Ikaw naman kasi ineng hindi ka nag-iingat,aba! Kahapon nabagsakan ka ng karton sa may bodega ngayon naman ito!" sermon nito sa kanya.
"Nag-iingat naman po ako.." aniya sabay nguso rito.
Umiling-iling na lang ito.
Aminado talaga siya na may pagkasablay siya. Hays,ganun talaga kasalanan ba niyang maging careless!
Agad na naalala niya ang engkwentro nila kanina ng amo nila. Ang panunungit nito pero alam niyang ganun daw talaga ito.
"Nanang,bumaba na po ba si Señor?" mahina niyang saad.
Napatingin sa kanya ang matanda.
"Nandito na ba siya?"
"Hindi niyo pa po ba nakita?"
"Hindi pa ineng..kung dumating siya ng ganitong oras malamang nagpapahinga yun mamaya gabi na iyun baba para sa hapunan..nagkakilala na kayo?"
Tumango siya. "Opo,nakita niya ko sa bakuran..nagulat nga po ako kasi bigla siya sumulpot sa tabi ko," aniya.
"Ganun talaga yun..tahimik kasi yun hindi mo namamalayan na nandyan na pala siya.." anang nito.
Tumango siya.
"Tama nga po kayo. Mukha nga siyang istrikto pero kanina mukha siyang concern sa sugat ko.." nakangiti niya saad.
"Oo..napakabait na bata yun,"pagtango ng matanda.
" Ang gwapo nga po..kaso puro buhok lang mukha niya pero gwapo siya."
"Ah yun bang balbas at bigote niya..maayos na yun ganun itsura niya para iwas na lapitan siya ng mga babae.."
Napataas ang kilay niya roon.
"Talaga,Nanang Cora? Ayaw niyo siya pagkaguluhan? Siguro crush niyo noh?" panunukso niya rito.
"Heh! Tumigil ka nga bata ka,matanda na ko para sa ganyan.."sita nito sa kanya.
Tumawa siya.
"Di na kayo nabiro!"paglalambing niya rito.
" Ewan ko sayo bata ka..akala ko pa naman kahinhinhin mo dahiL sa ganda mong yan kaso nagkamali ako...napakaloko mong bata ka!"panglalaki pa ng mga mata nito sa kanya.
Malakas niyang tinawanan ito.
"Grabe kayo sakin,Nang Cora ha!" akto nasaktan siya sa sinabi nito.
Napailing na lang ito sa kanya.
"Hala,magpalit ka na ng damit ang dumi mo at sumunod ka sakin sa kusina para magluto sa hapunan.."
"Sige po,Nang!"
She sighed.
Naalala niya muli ang pagkikita nila ng Señor. Ang matiim nito pagtitig sa kanya.
Nagandahan kaya siya sakin kaya ganun siya makatitig sakin?
Bigla bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang pag-iinit ng kanya mukha.
Nasapo niya yun. "Hala..nagkatotoo nga na crush ko na siya!" maang niya saad.
BINABASA MO ANG
Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Hombres Lobo#Prinnce #Brownwolf #Romance #Mate