CHAPTER 13

7.1K 187 2
                                    

Walang gana na nagtrabaho siya ng umaga iyun.

Kailan ba matatapos ang kamalasan niya? Sobra kahihiyan na ito!

Natigil siya sa pagngingitngit ng kanya kalooban ng makarinig siya ng boses ng isang babae.

Nahinto siya sa paghakbang ng makita ang paglabas ng babae mula sa kuwadra.

Agad na kumabog ang dibdib niya ng makita kasunod  nito ang Señor Oscar. Mabilis na nagkubli siya sa gilid ng bahay.

"Malusog ang mga kabayo..alagang-alaga sila ng kanila amo!" nakangiti saad ng babae.

Naningkit ang mga mata niya. Bigla siya kinutuban. Hindi niya gusto ang itsura ng babae. Mukha itong nang-aakit sa klase ng ngiti at pagtingin nito sa amo niya.

Umusok ang tainga at ilong  niya ng makita humaplos ang babae sa braso ng amo niya.

"Aba't talaga may pahawak-hawak pa siya Kay Señor!"umuusok ang ilong niya saad.

Bigla napalingon sa gawi niya ang amo at agad naman na nagtago siya ng mabuti. Bigla siya kinabahan dun. Hindi naman siguro siya nito nakita.

Muli siya sumilip at ganun na lang ang pagkagulat niya ng makita nasa harapan na pala niya ang binata. Nakahalukipkip ito.

" Ay butiki na naano!"gulat niyang bulalas.

Dahil sa kagulatan napaatras siya at tila may napatid siya sa kanya paanan. Naipikit niya ang mga mata dahil alam niyang bubuwal siya pero bigla na lang may pumalibot sa kanya beywang.

Marahas siya napasinghap at napamulat. Yakap-yakap siya nito.

"S-Señor.."awang ang labi niyang saad.

Mabilis ang kanya pagtibok ng puso hanggang sa nahihirapan na siya makahinga.

Matiim ang mga mata nito nakatitig sa kanya.

" Oscar?"pukaw ng boses iyun.

Bigla siya natauhan ng marinig ang nakakairitang boses iyun.

Binitawan siya nito.

"Ano ba ang ginagawa mo rito?" matiim nito tanong.

"U-uhm,Señor..pupunta ako sa likod.." pagdadahilan niya.

She's lying. Doon ng siya galing eh.

"Oscar.." paglapit ng babae.

Epal!

Tinaasan siya ng kilay ng babae na nasa tabi na ng Señor.

Napatingin siya ng makita kumapit pa ito sa braso ng binata.

Lihim siya umismid.

Mukhang karibal ko pa ang maarteng babae na to ah!

"Katulong niyo?"

Naikuyom niya ang mga palad. Katulong talaga? Di ba pwedeng kasambahay?!

"Kasambahay ko siya.."

Napatingin siya sa binata. Tila kasi tinama nito ang babae sa pagkakasabi kung ano siya.

"Ah talaga..pwede bang pakuha kami ng maiinom?" kunway mabait nito saad.

"Sige po.."

"Hindi na,Ysai.."

Napahinto siya sa paghakbang.

"Pupunta pa ko sa pastulan..salamat sa pag-asikaso sa mga kabayo.." baling nito s babae.

"Uh,sige..kung ganun sabay na tayo!"

Linta!

Naiwan siya dun na pinapanuod ang mga ito sa paglayo.

Nakakapit pa din ang babae sa amo niya.

"Siya si Mary,ang doktor ng mga kabayo ni Señor.."sabi ni Nanang Cora. Itinanong niya rito kung sino ang babae yun.

"Naku,patay na patay yun Kay Señor..kapag alam niya na may babae aaligid Kay Señor kulang na lang injection-an niya ng anesthesia ang magtatangka kumaribal sa kanya.."

"Bakit alam niyo ang karakas nun?"

Nameywang ito. "Nakita ko siya isang beses sinugod niya ang dati kasambahay na kasama ko dito,eh dalaga yun at may crush Kay Señor nang mapansin ata ng Mary na yun ang paghanga niya aba,tinarayan ba naman! Kung ano pang-iinsulto niya sinabi niya" lukot ang mukha saad ng matanda.

"Nalaman po ba ni Señor?"

"Hindi eh,kasi lagi busy si Señor at alam ko din naman hindi siya type ni Señor.."

Tumango-tango siya. Kahit papaano nakampante siya dun.

Assumingera palaka pala siya. Feeling girlfriend kung makakapit sa Señor nila.

Tss,ayos lang yan Ysai..mas maganda ka pa rin sa kanya.

Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon