Marahas siya napalingon sa may kuwadra. Nag-iingay ang mga kabayo sa loob. Sa kuryusidad tinungo niya ang kuwadra.
Patuloy sa pag-iingay ang mga kabayo.
"Señor?!" agad niya paghahanap sa lalaki. Alam niya sa mga ganito oras nagtutungo ito sa kuwadra.
"Señor..?" muli niya sambit. Dahan-dahan siya pumasok sa loob ng kuwadra kasabay nun ang papalakas na papalakas na pagkabog ng kanya dibdib.
"Señor?!" muli usal.
Maligalig ang mga kabayo. Kaya naman nilapitan niya ang mga ito at hinimas ang mga ulo nito isa-isa ng sa ganun mahimasmasan ang mga ito.
"Bakit? Nagugutom ba kayo?" kausap niya sa mga ito.
Natigilan siya ng makaramdam siya ng kakaiba. Nagsitaasan ang mga balahibo niya sa batok at braso.
May kung ano nakatitig sa kanya likuran. Napalunok siya.
Hindi kaya kaya nag-iingay ang mga kabayo dahil may nakapasok ditong masamang tao?
Pasimple niyang dinampot sa gilid ang pangkahid ng mga dayami at marahas siya pumihit sa likuran niya.
Pero nafreeze yun sa ere nang makita kung ano ang nasa harapan niya.
Isang kulay brown na malaking hayop! Halimaw! Malaking halimaw na may malalaking mata!
Sumigaw siya ng malakas!
"Ysai!"
Malakas na yugyog ang gumising sa kanya.
"Nanang Cora!" humihingal niya saad at yumakap sa matanda.
"Binabangungot ka,Ineng!" haplos nito ang likod niya.
"Nanang,ang sama po ng napanaginipan ko..may..may halimaw..malaki halimaw po na nakatitig sakin!" humihingal niyang pagkukwento.
"Kumalma ka..panaginip lang yun,Ysai.." pagpapakalma nito sa kanya.
Humugot siya ng malalim na hininga.
Pinagpapawisan pa siya.
"Ikukuha kita ng tubig,saglit lang.." anang ni Nanang Cora.
Napahilamos siya sa kanya mukha.
Parang totoo ang panaginip iyun!
Nakita niya sa wall clock na alas singko pa lang ng madaling araw.
Marahas siya napabuga ng hangin.
"Oh heto ang tubig,uminom ka.." pagbalik ni Nanang Cora.
Agad na uminom siya roon. Nakalma na din siya.
"Okay ka na?" anito habang hinahaplos ang kanya buhok.
Tumango siya. "Opo,Nanang..hindi na po ako matutulog.."aniya.
" Maaga pa naman.."
"Okay lang po ..ako na po magluluto ng almusal natin..matulog na po muna kayo ulit.." saad niya.
"Okay,sige..at medyo inaantok pa nga ko.." anito.
Inalalayan niya ito makahiga sa higaan nito.
"Baka mahiwa ka ng kutsilyo ha!"
Natawa siya. "Nanang talaga wala kayo tiwala sakin,wag po kayo mag-alala di ko po susunugin ang mansion!"
"Diyos ko!"bulalas ng matanda at sinabayan pa ng pagsign of cross.
" Hay Naku ,sasamahan na kita!"
Tumatawa na pinigilan niya ang matanda.
"Joke lang po..kayo naman!" aniya.
"Umayos ka ha!"
"Opo,Nanang Cora..sleep well po ulit!" aniya.
She sighed.
Kainis yung monster na yun!
BINABASA MO ANG
Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Lobisomem#Prinnce #Brownwolf #Romance #Mate