CHAPTER 5

7.4K 203 1
                                    

Distracted siya habang kumakain ng hapunan.

Sa hapunan lagi niyang kasabay si Nanang Cora sa hapag at ngayon kasabay din niya ang bagong kasambahay niya na si Ysai.

Tahimik ito kumakain. Nasa kanang bahagi lang niya ito nakaupo isang silya ang nakapagitan sa kanila habang siya ay nasa kabisera naman nakapwesto at nasa kaliwa bahagi naman si Nanang Cora.

Dinampot niya ang baso na may lamang tubig at napadako ang tingin nya sa dalaga. Naningkit ang mga mata niya ng mapuna  na tila may biloy ito sa kaliwang pisngi. Lumulubog iyun sa tuwing na ngumunguya ito.

Agad na nagbawi siya ng tingin bago pa nito mahuli siyang nakatitig rito.

What's wrong with you,Oscar? Bakit mo siya tinititigan?

He sighed.

Agad naman napatingin sa kanya ang babae sa ginawa niya iyun.

"Nilinis mo ba ang sugat mo?" agad na tanong niya ng makita na tila bigla ito naalangan sa ginawa niya pagbuntong-hininga.

Hindi ito kaagad nakaimik.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"U-uh,Opo,Señor..nilinis po kanina ni Nanang Cora.." sagot nito.

Nginitian nito ang matanda babae at doon niya nasilayan ang malalim nitong biloy sa kaliwang pisngi nito.

Her dimple is so attractive.

You attracted to her! Panunukso ng kanya inner wolf.

Naikuyom niya ang mga palad.

"Mabuti naman kung ganun. Sa susunod mag-iingat ka..lalo na nung mabuwal ka habang kumakanta.."

Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.

"N-nakita niyo po yun,Señor?"hindi nito makapaniwala saad.

Nagkibit siya ng balikat.

"Sinong hindi makakarinig sa pagbirit mo na pilit na inaabot ang mataas na tono.."

Bigla ito napatakip ng mukha.

Parang ito teenager na bigla nahiya ng makaharap ang crush nito.

Hindi niya naiwasan lihim na maamused sa dalaga.

Yeah,she's very amusing girl too.

"Nakakahiya,pasensya na,Señor.." nahihiya nitong saad at hindi makatingin sa gawi niya.

Lihim siya napangisi. Nakakamangha.

Kaya nito maging maganda at maging isang cute nang sabay.

Bigla siya natauhan sa kanya iniisip.

Talaga bang attracted na siya sa bago niyang kasambahay?

Naikuyom niya ang mga palad.

Ni minsan hindi siya nagbigay ng atensyon sa mga babae. He can live without them pero nang makita niya ito kanina ang pagiging careless nito ay bigla na lang siya nagkaenteres sa isang babae. Kay Ysai.

"Naku,sa susunod mag-iingat ka na..kitam mo na baka kung ano isipin  ng Señor na baka aanga-anga ka!" sita dito ng matanda.

Nakita niya ang pagnguso ng dalaga at dumako doon ang mga mata niya.

Hell! What's wrong with me?

Diyata't pinasasamantalahan niya ng tingin ang babae?!

Attracted ka lang..ito ang unang pagkakataon na nagkainteres ka sa isang babae..

Naikuyom na naman niya ang mga palad.

He sighed.

Tumikhim siya.

"Tapos na kong kumain..magpatuloy lang kayo sa inyo pagkain..mauuna na ko," pormal niyang pagpapaalam sa mga ito.

"Sige,Señor..magpahinga ka na,"si Nanang Cora.

Ramdam niya ang tahimik na pagsunod ng mga mata ng dalaga sa kanya.

Naipilig niya ang ulo. Baka natutuwa lamang siya rito.

Hindi naman siya bata eh para katuwaan mo..anang ng inner wolf niya.

But she's acting like a child!

Yeah,cute kasi siya at maganda pa.saad ng kanya inner wolf

Sa DREAME na po siya mababasa.

Visit CallmeAngge in DREAME .

Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon