Ang sabi ni Nanang Cora pinapupunta siya ni Señor Oscar sa kuwadra. Kaya may kaba siya tumungo doon.
Bakit ba siya kinakabahan?
Nasa bukana na siya ng kuwadra. Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyan pumasok sa loob.
Nadatnan niya nagpapakain ng kabayo ito.
"Señor,pinapupunta niyo daw po ako dito?" untag niya rito.
Lumingon naman ito sa kanya at pinasadahan siya ng tingin.
Bigla siya naconscious sa itsura niya.
Nakamahaba saya siya at blusa. Kailangan ko bumili ng bagong damit pagkasahod ko,saisip niya. Pulos luma na din kasi ang mga damit niya.
"Wala ka bang pantalon?" tanong nito.
Nagtataka umiling siya. "Wala po,Señor..puro saya lang po kasi lahat ng pang-ibaba ko.."
Bakit kaya niya natanong?
Humarap ito sa kanya.
"Kung gusto mong sumakay sa kabayo kailangan hindi ganyan ang suot mo,Ysai.."
Napasinghap siya sa sinabi nito.
Ano daw? Siya? Sasakay sa kabayo?
"Sumunod ka sakin.." saad nito at naunang ng lumabas ng kuwadra.
Mabilis na sumunod na lamang siya rito.
Naabutan niya tinatawag nito si Mang Lando.
Binuksan nito ang pinto ng kotse sa may likod.
"Sakay.." utos nito.
Nagtataka man,sumakay na lang siya. Baka kailangan nito ng alalay kaya siya pinapatawag.
Hindi naman niya inaasahan na sa likuran din uupo ang amo.
Bigla tuloy siya nailang ngayon.
"Saan tayo,Señor?" tanong ni Mang Lando.
"Sa bayan,Mang Lando..hintayin niyo na lang kami sa may plaza.." tugon ng amo nila.
"Sige ho,Señor.."
Tahimik lang siya sa buo biyahe nila pero nakikita niya sa gilid ng mga mata niya na panay ang sulyap sa kanya nito.
Patuloy pa din sa pagkabog ng kanyang dibdib.
Magsalita ka kaya Ysai para naman mawala ang kaba mong yan na Ewan!
"Uhm,Señor?" sulyap niya rito.
Bahagya siya tinapunan ng tingin nito.
"Ano yun?"
"Uhm,yung sinabi niyo po kanina..bakit niyo po tinatanong kung may pantalon ako?"
"Dahil iyun ang tama kasuotan kapag sasakay ng kabayo.." saad nito.
Napapihit siya paharap dito.
"Paano niyo naman po nalaman na gusto ko sumakay ng kabayo?!"mangha niya sabi. Hindi kaya sinabi rito ni Nanang Cora.
"Narinig ko lang.." maiksi nito sagot.
"Payag po kayo?!" bigla naexcite niyang saad.
"Gusto mo yun hindi ba?" balik-tanong din nito saad.
Sunod-sunod siya tumango-tango.
"Opo,Señor! Gustong-gusto ko yun!"
"Sige..bibili tayo ng angkop na isusuot mo sa pangangabayo.."
"Talaga po? Kaya pupunta tayo ng bayan?!"
"Yes.."
Napaawang ang bibig niya.
Bakit ba ang sobra bait niya?! Lalo tuloy ko siya nagugustuhan!
"Umayos ka ng upo,Ysai.." pukaw nito sa kanya.
Nakangiti na agad naman siya umupo ng maayos.
Masayang-masaya ang puso niya ngayon! Ipamimili pa siya ng damit ng amo niya!
Malamang bawas yan sa sahod mo!
Okay lang ,ang sweet nga eh! Sumama pa siya pwede naman ako na lang bumili eh!
Sigurado maiinggit ang Mary na yun sakin.
Lihim siya tumawa ng maisip yun.
BINABASA MO ANG
Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Loup-garou#Prinnce #Brownwolf #Romance #Mate