CHAPTER 14

6.9K 192 4
                                    

Naglibot-libot siya sa rancho. Kung hindi lang dahil kay Mary malamang nasa mansion siya at nagpapahinga pero kung gugustuhin niya na kumuha nang ibang doktor gagawin niya kaso kabisado na nito ang ugali ng kanya mga alaga.

Alam niya na may pagtingin sa kanya si Mary noon pa lang. She's pretty pero hindi siya ang babae itinakda sa kanya. Siguro nga dahil may babae nakatakda sa kanya walang babae ang nagpatibok ng puso niya hanggang sa magtagpo sila ni Ysai.

Alam din niya na crush siya ni Ysai.

Yeah,crush..dahil naririnig niya yun sa tuwing nagsasalita ito mag-isa.

Umangat ang isang dulo ng mga labi niya.

Narinig pa niya na tila hindi nagustuhan ni Ysai ang presensya ng babae kasama niya.

He know why.

Hindi naman niya nagustuhan ang pagtrato ni Mary kay Ysai.

May pangmamaliit sa pananalita nito kanina kay Ysai.

Hell,Ysai is a innocent.

He sighed. Alam naman niya ang ugali ng Mary iyun. Hindi lang niya pinapansin dahil ayaw niya makapanakit ng isang babae.

Ngunit persistent ang babae pero alam niyang dama nito na wala ito mapapala sa kanya.

Pabalik na siya sa mansion nang matanaw niya si Ysai na may bitbit na basket.

Puno iyun ng mga labahin mukha sinilong na nito ang nakasampay na damit.

Pinabilis niya ang paglalakad.

Binagalan niya ang paghakbang nang ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya.

Huminto siya nang huminto ito sa may pintuan ng mansion. Sinulyapan nito ang kuwadra.

"Ano kaya feeling ng sumakay nang kabayo?" saad nito sa sarili.

"I'm sure marunong sumakay ng kabayo ang Mary yun! Dapat ako din!" anito.

Napaawang ang bibig niya.

Pagkaraan tuluyan nang pumasok sa mansion ang dalaga.

Napatingin din siya sa kuwadra.

Turuan mo siya...

Hindi ako sigurado kung kakayanin niya,Wolf..she is so clumsy!

Huh,nandyan ka naman siguro naman hindi mo siya pababayaan masaktan..

He sighed.

Nagdadalawa-isip pa siya na pumasok na din sa loob ng mansion niya.

"Nanang Cora..papayagan kaya ako ni Señor na sumakay sa kabayo niya?"

Narinig niya sabi ng dalaga mula sa kusina. Nanatili siya nakatayo sa may hagdanan.

"Naku,Ysai! Mantigil ka nga diyan sa mga iniisip mo,baka mahulog ka dun!"kontra ni Nanang Cora dito.

"Pero Nanang Cora..gusto ko itry.."

"Heh! Tigilan mo yan..maawa ka sa sarili mo,Ysai..napakaganda mo pa naman gusto mo bang mabali mga buto mo? Naku paano ka na mapapansin ni Señor niyan?!"

Napailing na lang siya sa narinig mukhang alam din ng matanda na crush siya ni Ysai.

Umakyat na siya bago pa siya makita ng mga ito nakikinig.

Kung nais iyun ng kanya mate ,bakit hindi.

Marapat lamang na mapalapit sila ng dalaga. Iyun ang nararapat.

Ysai is his mate. Ang babae dahilan kung bakit siya nandito sa mundo ng mga tao at nakaranas ng kakaiba karanasan sa mundong ito na wala sa mundong-Colai.

Yeah,I think ,it's my turn to give her what she want habang nandito pa ang dalaga.

Hindi lamang siya sure kung matatanggap siya nito kung sino siya at sino ito sa kanya buhay.

Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon