CHAPTER 2

8K 225 14
                                    

Nakakalungkot na mag-isa na lang siya ngayon sa buhay niya. Iniwan na siya ng kanyang kinikilalang ama. Namatay ito dahil sa stroke.

Wala naman siyang ideya kung sino ang kanya mga magulang dahiL ang sabi ng tatay Fred niya ay nakita lang siya nito na nasa basurahan.

Iniwan siya roon ng walang kamuwang-muwang.

She sighed. Mahirap lang sila. Highschool lang ang natapos niya. Mahirap makahanap rito ng trabaho dahil mahirap na lugar din ito na tanging pangingisda lang ang kinakabuhayan ng lahat ng nakatira dito.

"Ysai?!"pagtawag sa kanya ni Aling Osang. Ang dating amo ng kanya tatay Fred na siyang may-ari ng ginagamit nilang bangka.

" Aling Osang?"

"Ysai,tumawag ulit si Tiyang Cora..sa linggo susunduin ka niya sa pier sa Sta. Barbara.." anito.

Mabait ito kaya ng sabihin niyang gusto niya magtungo ng maynila para maghanap ng trabaho,sinabi nito na nagpapahanap ang tiyahin nito ng kasambahay.

"Talaga po?" aniya.

"Oo,kukunin ko yung pinadala ni Tiyang Cora para sa pamasahe mo at pambili ng personal mong gamit.." masaya nito saad.

Masaya siya ngumiti. She hate the word sad.

"Ayan ha,dapat hindi ka na malungkot..magsisimula ka na muli sa buhay mo.." anito.

"Opo,Aling Osang..salamat dahil tinulungan niyo ako.." nakangiti na niyang saad.

"Naku,drama mo hindi ako sanay!"

Nagkatawanan sila. Ganun siya. Masiyahin syang tao kaya dapat masaya lang siya kahit mag-isa na lamang siya ngayon.

Agad naman niya nakita si Nanang Cora.

"Naku! Ikaw ba si Ysai?! Eh kaganda babae mo naman ata! Mukhang hindi ata bagay sayo ang pangangasambahay!" mangha sabi ni Nanang Cora sa kanya na panay hagod ng tingin sa kabuoan niya.

"Hindi naman po,Cute lang po ako,Nang Cora at isa pa marunong po ako magtrabaho,masipag po ako!" aniya.

Nginitian niya ito ng matamis at lumitaw ang cute na biloy sa kaliwang pisngi niya.

"Sabagay,basta galing sa probinsiya eh masisipag talaga,halika na.."yakag nito sa kanya.

Napasipol pa siya ng makita ang isang kotse.

"Pinagamit satin ni Señor! Naku,napakabait na bata iyun! Si Mang Lando mo nga pala.."anang ni Nang Cora.

" Kamusta po,Mang Lando!"bati niya sa may edad na rin lalaki.

"Mabuti naman,Ysai..halika na para makauwi tayo ng maaga at makapagpahinga ka, mahabang oras din ang binayahe mo," anito.

Sabay silang nagsisakayan sa kotse. Infairness, mabait ang magiging amo niya.

"Mabait si Señor kaya wala kang dapat ipag-alala sa pagtrato niya satin..mukha lang siyang istrikto pero napakabait niya..binata pa yun!" anito na bahagya pa siyang siniko.

Natawa siya.

"Napakagandang lalaki din yun. Alam mo bang maraming nagkakagusto sa kanya sa rancho pero yun nga lang mukhang hindi siya nagmamadali magkanobya.."

Tumango-tango siya. Kung mabait ito at gwapo pa malamang magiging crush na niya ito.

"Maganda ka at morena..naku baka matype-an ka ni Señor." bigla panunukso ng matanda.

Tumawa siya.

"Naku,Nang Cora...crush ko na siya kahit hindi ko pa siya nakikita!" nakangisi niya saad.

Malakas na nagsitawanan ang dalawang matanda.

Iyun siya. Si Ysai Conching na masiyahin tao at lagi nagpapasaya  sa iba.

She can survive by herself now.

Tama,tuloy ang buhay,Ysai!

Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon