Lutang pa rin ang utak niya pagkatapos ng halikan nila ng binata.
Ganun pala ang pakiramdam ng mahalikan.
Nakakawala ng katinuan!
Her first kiss!
Maghapon siya masigla sa pagtatrabaho. Panay naman ang tukso sa kanya ni Nanang pero hindi niya sinabi rito na nagkiss na sila ng binata lalo lang ito manunukso.
Pababa siya ng hagdanan habang bitbit ang tambo at dustpan.
"Ang ambisyosang katulong!"
Agad na natigilan siya sa paghakbang nang makita ang bruha.
Welcome ito pumasok sa mansion pero kapag napuno siya rito sasabihin niya kay Oscar na i-Ban ang bruha na 'to!
"Anong kailangan mo? Nasa Farm si Oscar.."
Napataas ito ng kilay. "Oscar? Hindi ba katulong ka niya bakit tinatawag mo siya na walang paggalang?"sita nito.
Marahas siya napabuga ng hangin. Bored na tinitigan niya ito.
" Hindi ko alam kung ano problema mo sakin,Ms.Mary.."
Tumalim ang mga mata nito sa kanya.
"Ikaw ang problema ko!" asik nito sa kanya.
Hinablot nito ang braso niya at hinaltak siya.
Hindi siya nagpasindak rito. Buong tapang na sinalubong niya ang galit nitong mga mata.
"You are such a gold digger! Inakit mo siya! Opportunist! Hindi kailanman nababagay ang isang muchacha katulad mo kay Oscar! Hampas-lupa!"
"Ysai!"nag-aalala tawag sa kanya ni Nanang Cora.
Marahas niya hinablot ang sarili braso mula rito. Nabigla ito sa ginawa niya.
" Hindi mo kailangan na laitin pa ko at insultuhin dahil kahit ano pa ang paglubog mo sakin pagkatao hindi magbabago ang sitwasyon...na ako ang nagustuhan ni Oscar hindi ikaw!"buong diin at tapang na pagsagot niya rito.
Nakita niya ang pamumula ng mukha nito sa galit.
Malakas na dumapo sa pisngi niya ang kamay nito.
"Mary!!!!" malagom na sabi ng boses iyun.
Marahas sila napalingon ng babae sa nagsalita iyun.
It's Oscar. Madilim ang mga mata nito nakatitig sa babae.
Agad na nilapitan siya ni Nanang Cora.
Nashock siya sa nangyari kaya hindi siya agad nakareak.
"Get out.."malamig na saad nito sa babae.
" O-oscar..i-i can explain!"nagpapanik na sabi nito.
"Get out.." tiim-bagang ng ulit nito.
"Siya ang nauna..k-kung ano-ano ang sinasabi niya sakin!" pagsisinungalin nito.
"Sinungaling!" sabad ni Nanang Cora.
"I said get out!"pagtaas na ng tono nito na ikinaputla lalo ng babae.
Lumuluha ito napatitig kay Oscar. Humihikbi na patakbo ito lumabas ng mansion.
Marahas siya napabuga ng hangin. Namamanhid pa ang pisngi niya.
Walang imik na kinuha ng binata ang kamay niya at hinila paakyat sa hagdanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/131247590-288-k553900.jpg)
BINABASA MO ANG
Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)
Werewolf#Prinnce #Brownwolf #Romance #Mate