CHAPTER 19

6.6K 168 0
                                    

Labis ang naging pag-aalala niya ng makita ang pagkakahulog ng dalaga sa kabayo.

Bigla nag-alburoto ang kabayo. He know why?

Ayaw ng kabayo na hinihimas ito ng matagal dahil may pagkamabangis iyun. Si Ysai lang ang hinayaan ng kabayo na sumakay rito ng hindi nag-aalburoto.

Ayaw niya isipin na may purpose ang ginawa ni Mary.

Damn,alam naman nito na ayaw iyun ng kabayo pero ginawa nito ang magtitrigger sa kabayo!

Naikuyom niya ang mga palad. Dahil doon hindi na niya hinarap si Mary na mas concern pa sa kanya kaysa kay Ysai.

Ysai was crying because she's scared! Namumutla ito sa sobrang takot kanina!

Naipikit niya ang mga mata. Hindi niya gusto makita mapahamak ang dalaga habang nasa tabi siya nito!

Hindi niya hahayaan na masaktan at matakot ito gaya kanina na nakita niya takot sa dalaga.

Marahas siya napabuga ng hangin.

Napahilamos siya sa kanyang mukha. Nagiguilty siya dahil hindi niya ito agad nabantayan ng maayos. Nakampante siya na hindi ito masasaktan.

Shit!

"Ipapakulam ko yang,Mary na yan!" galaiti ni Nanang Cora nang ikwento niya rito ang nangyari.

Nagulat ito kanina ng alalay siya ng binata habang papasok ng bahay at namumutla.

She sighed.

"Hayaan niyo,Nanang may karma din siya.." pagpapakalma niya rito.

"Sabi na eh,kaya susunod maging alerto ka na..alam mong may hindi siya gagawin kapag magkaharap kayo ganun siya kawalanghiya!" galaiti pa rin nitong saad.

Marahas siya bumuga ng hangin.

"Wag po kayo mag-aalala Nanang sa 26 yrs.old ng buhay ko hindi ko pa hinayaan masaktan ako ng mga tao at lalo hindi sa katulad niya.." puno ng konbiksiyon niyang saad.

"Tama..lumaban ka,alam kong hindi papanig sa mali ang Señor!"tugon ng matanda.

Bigla niya naalala ang nangyari kanina ang pagyakap niya sa binata dahiL sa takot. Umiyak pa nga siya.

She sighed. Sana hindi siya nasaktan.

Sa katawan nito siya bumagsak kaya panigurado nasaktan ito.

Eh kung puntahan mo kaya siya at tanungin kung hindi ba siya nasaktan?

Matatahimik lamang siya kung matatanong niya ito ng personal.

" Nanang,umalis po ba si Señor?"

Wag naman sana kasama nito ang Mary yun!

"Nasa kwarto niya..nang ihatid ka dito agad siya umakyat sa taas buti nga yon dahil umalis na din yung bruha na yun!"

Napangiti siya.

"Gusto ko po sana alamin kung nasaktan po siya kanina.."

"O sige kung kaya mo nang kumilos ." anang ng matanda.

Agad na lumabas siya ng quarters nila.

Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon