CHAPTER 17

6.6K 174 1
                                    

Hanggang ngayon para pa rin siyang nakalutang sa alapaap. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na ito.

Wala ng sasaya pa na ipinamili ka ng crush mo ng mga magaganda at mamahalin damit at wala din sasaya pa na pareho kayo nakasakay sa iisang kabayo!

Bigla nag-init ang kanyang mukha. Gosh! Damang-dama niya kanina ang matigas na katawan nito sa likuran niya at ang init niyun!

Impit siya tumili. Nilingon niya si Nanang Cora. Panay ang tukso nito kanina sa kanya dahil nakita sila nito.

Mangha din ito nang makita marami siyang bago damit na galing mula sa amo nila.

She sighed. Sa tingin niya nga baka type na sya nito?

Masarap kaya sa feeling na crush ka ng crush mo!

Napangisi siya sa kawalan.

This it it,Ysai! Chance mo na magkalapit kayo!

Ipipikit na sana niya ang mga mata nang makarinig siya ng tila kakaibang ingay.

Tahimik na ang paligid at tulog na din ang buong rancho.

Pinakinggan niya ng mabuti ang ingay na iyun.

Tila iyun singasing mula sa isang mabangis na hayop.

Napabangon siya. Narinig din niya ang pag-iingay ng kabayo.

Naku,baka may nakapasok sa may kuwadra!

Agad na lumabas siya ng silid at tinungo ang kinaroroonan ng kuwadra.

Malapit na siya sa may kuwadra ng tumahimik naman ang mga kabayo.

Pero sisilipin pa din niya. Sobra alaga pa naman ito ng amo nila.

"Sino yan?!" saad ng boses iyun.

Si Señor!

"Who's that?!" ulit nito nanggagaling sa loob ng kuwadra ang boses nito iyun.

"Crush mo..si Ysai!"agad na nasapo niya ang bibig sa sinabi niyang iyun.

Ano ka ba Ysai? Ano bang pinagsasabi mo?

" Ysai.."pagbungad nito sa harapan niya.

Napatitig siya rito.

Pawisan ito at hubad baro kaya napaawang ang bibig niya ng masilayan ang katawan nito.

May six pack abs!

"Anong ginagawa mo rito sa labas?" matiim nito saad na kumuha sa atensyon niya mula sa pagkakatulala.

"Uhm,Señor,narinig ko po kasi nag-iingay ang mga kabayo,sisilipin ko po sana.."tugon niya at hindi maiwasan na mapatitig sa six pack abs nito.

"Pumasok ka na sa loob,Ysai..wag ka lalabas kahit ano pa ang marinig mo.." tiim-bagang nito saad.

Bigla siya kinabahan sa klase ng tingin nito sa kanya. Mabangis at madilim.

"S-Sige po,Señor.." agad na pagtalima niya.

"Ysai," pagtawag nito sa kanya.

"Señor?" kabado siyang lumingon rito.

Mukha na ito kalmante. Hindi na ito mukhang mabangis.

"Uminom ka ng gatas para makatulog ka.."

"Opo,Señor!" agad na tugon niya.

Okay,maalalahanin din siya!

Prince of Brown Wolves Series 8 : OSCAR ALBERTO by CallmeAngge(INCOMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon