Ako si Makata O, tapat at totoo
Inyong katoto, kaaway ng liko.
Ako'y isang makata, makatao.
Maglilingkod ng buong puso
Mga tula ko'y handog ko sa inyo
Sa mabuti, ito'y isang musiko
Ngunit, sa masama, ito'y bato.
Na tatama sa kaibuturan ng buto.
Kaya mga kaibigan, humanda kayo
Magandang balita, hatid ko sa inyo
Masamang gawain, isisiwalat ko
Lahat kayo'y magtatamasa nito.
Inyong lingkod, di man dakilang guro
Ngunit, ang puso't kalooban ay ginto
Mga inaapi ay ipagtatanggol ko
Mga mapang-api naman, yari kayo.
Kaya, hanggang may isang Makata O.
Sa inyong paaralan, sa inyong grupo
Di titigil sa pagsulat ng mga liriko
Aking imumulat ang mga mata ninyo.
Ang mga maling gawain, kakalabanin ko
Mabubuting tao, papuri ay matatamo
Hayaan lamang ninyo na gawin ko ito
Para po ito sa kabutihan ng Gotamco.
Wala kang magagawa kung ayaw mo
Kung sa panulat ko'y puso mo'y dumugo
Ang pagbabago lang naman ang nais ko
Pasalamat ka na lang, pagkat may tulad ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Makata O.
PoetrySi Makata O. ay isang taong maprinsipyo, kaaway ng mga liko at kakampi ng mga may puso.https://m2.facebook.com/profile.php?id=778085892247270&ref=bookmark