I'm Her Confused BF

87 7 0
                                    

PROLOGUE


At this moment makikita mo akong nakadapa sa higaan while holding our class picture in high school. Wala pang 10 minutes nang biglang tumunog ang doorbell sa baba.

" BF mo Cha! " tawag ng kapatid ko.

" Pababa na! Wait lang.. " pagmamadali ko.

Haays.. Bakit kaya nandito sya? Sabi ko ako ang susundo sa kanya eh..! Iba talaga pag legal kayo nuh? Kahit biglaan sya pumunta tanggap ng pamilya mo hehe.. 

Sa hagdan palang ay di na ako magkandaugaga sa pagbaba.

EXCITED MUCH??

Naabutan ko syang nakatayo sa pintuan.

Well bungad palang nakangiti na sya sakin kaya napangiti narin ako..hahaha

Habang nakatitig ako sa kanya ay di ko maiwasang maisip kung ano na nga ba ang estado ko ngayong malaya kaming sabihin na kami nga ay para sa isa't isa.

Sabi kasi nila CONFUSED ako? San?? Sa pagkalalaki ko?

Bakit naman nila nasabi?

Paano ba nalalaman na confused ang lalaki?

Maging anuman ang kasagutan diyan ay hindi na mahalaga sa akin. Kung ako ang huhusgahan..Ok lang.

Basta sinabi ko sa sarili ko na wala akong magiging pakielam sa sasabihin ng iba, hamak naman na mas kilala ko ang sarili ko di ba?

Minsan napapaisip ako “Totoo nga kaya?”

Sa dami kasi ng nagtanong sa akin kung bakla daw ba ako o bisexual ? eh.. marami din ang naging paliwanag ko. DEFENSIVE??

Minsan sa pagkairita ko sa mga ganung tanong ay sinasabi ko nalang na “Bakit pag malamya bakla agad?? Hindi ba may mga ganito naman talagang kilos?

Hindi mo naman mapipili na maging ganito yung kilos mo eh. Yung iba minsan nasa dugo talaga. Kumbaga yung estrogen vs. testosterone lumamang yung female hormones kaya naging malamya yung tao.”

Kitam??! Pati science ginagamit ko ma-depensahan lang ang sarili ko.

 Susubukan  kong ikwento sayo ang mga naging karanasan ko at ikaw na ang humusga, kung bakit nga ba ako naging ganito.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon