Chapter 6 of 30

42 5 0
                                    

ANG AKING PAGKAWALA (Unang Tagpo)

Nang makalayo-layo ako, nilingon ko sa malayo  yung lalaki na tumayo sa kinauupuan niya.

Haays!! Bibili lang pala na sigarilyo si kuya, may tindahan pala sa tapat ng kinakatayuan ko kanina. Pag-iisip ko nga naman!

Dahil natakot ako na magkatotoo yung mga naglaro sa isip ko binago ko yung direksyon na nilalakaran ko.

Halos dalawang oras na akong naglalakad wala man lang pinatutunguhan yung paglalakad ko.

Tumingin-tingin ako sa mga taong nasa paligid ko. Grabe! Di ko talaga alam kung nasan na ba ako!

Malayo pa lang ay may nakita na akong bata na kaedad ko na pwedeng pwede kong mapagtanungan.

Singkit ang  mga mata niya, matangos ang ilong, maputi at mapula ang mga labi. Medyo astig din yung buhok nya yung  sakin kasi barber lang eh.

Napansin ko pa talaga yung physical appearance?? Syempre aminado kasi ako na lamang sya sa akin.

Aah..  bata! Taga-dito ka ba? Nawawala kasi ako eh. “, tanong ko sa kanya ng magkalapit kami.

Ganun ba?? Eh.. saan ka nag-aaral? “ sagot nya.

Bakit yung school ko ang tinatanong mo? Di ba dapat yung tirahan ko? Nawawala nga ako eh.. ”, pagwasto ko sa tanong niya.

Baka kasi nag-aantay na yung mga magulang mo sa school ninyo kaya ko natanong “, tugon niya sa akin.

Ok, ako nga pala si Charles. Sa mga may nakasampay na tela ako nag-aaral. Ikaw??  “ , sagot at tanong ko sa kanya.

Ako??  Halika! Basta tutulungan kita makauwi sa inyo, promise! Malapit lang kasi dito yung barangay eh malapit lang din doon yung school namen kaya sasamahan na kita! “, aya niya sakin.

Yown! Mas mabuti na to may kasama na ako!“, bulong ko sa sarili.

Nung mga oras na iyon ay ipinagkatiwala ko sa kanya ang sarili ko dahil sya lang ang tagaroon na nakausap ko.

Hindi pa kami nakakalayo nang biglang marinig ko ang isang batang kaedad namin na sumisigaw palapit sa amin.

Ace! Ace! Yung mga magulang mo nag-aaway nanaman! “, sigaw ng bata na para bang ako yung sinasabihan.

Napalingon ang batang kasama ko.

Naku naman! Lagi nalang. Charles, pasensya ka na kailangan ko ng umuwi.. “, paliwanag niya sa akin. Hindi ko alam na sya pala yung tinatawag  ng bata.

Diretsuhin mo yung daan na yan! Pag nakita mo yung  highway lumiko ka sa kaliwa! Una na ako.. mag-iingat ka! “, paalam niya sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil di ko lubos maisip na wala na akong kasama.

 Malayo na sya ng nahimasmasan ako. Grabe!  Takot na takot ako di ko alam kung sino na ang tutulong sa akin. Hindi man lang niya nilinaw kung ano pangalan ng school nila. Haaays! Pati nga pangalan parang ayaw sabihin. Naalala ko yung batang tumawag sa kanya.

ACE?? Ace pangalan niya? WANTED na sa akin yun!! Jowk! Astig pangalan niya.

Nilakad ko mag-isa ang daan na tinuro niya. Kinakabahan ako dahil baka maligaw ako lalo.

Noong mga oras pa nay un na humina ang kumpiyansa ko sa sarili dahil sa mga nangyari. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang pinaka highway na tinutukoy niya. Maraming sasakyan  ang bumungad sa akin at nakita ko ang mga establisyemento na nadaanan ko bago ako mapadpad sa lugar nila Ace.

 

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon