Chapter 15 of 30

28 5 0
                                    

HIGH SCHOOL DAYS ( Guidance)

Sa loob ng room ay may nagaganap na singilan.

Ikaw walang pera?? Ayos ka rin eh nuh?? Magbabayad ka o magbabayad ka? “ pamimilit ni Raven kay Rojie.

Napansin ko ang ginagawa ni Raven kaya ko sya nilapitan.

Alam mo Raven, kung may pera sya di ka magdadalawang sabi sa kanya. Magbabayad yan kung may pambayad sya. Dapat di mo sya pinipilit kasi baka sabihin ng mga kaklase natin na nang-gigipit ka. “ mahinahon na paliwanag ko sa kanya.

" Aahh.. ganun naman pala eh.. Bakit ka nangangaelam?? Gusto mo palabasin na ikaw yung pinakamatalino dito at ikaw lang ang may alam ng tama? Aba.. suntukan nalang tayo kung ganyan! " hamon ni Raven sa akin.

" Alam mo Raven, hindi kta papatulan. Alam ko ang posisyon ko sa kwartong to. " kalmadong sagot ko sa kanya.

" Yan tayo sa posisyon eh.. Wag ka mag-alala, hindi ko nakakalimutan na ikaw yung presidente dito. Ikaw nga yung top 1 di ba? TOP OF THE WORLD ka eh!! Hindi mo ako papatulan bakit takot ba ako sayo?? Alam mo posisyon mo ? bakit ako hindi? Hindi ko alam kasi wala akong pinag-aralan??!!  " gigil na sabi ni Raven sa akin.

 " Ikaw ang nagsabi nyan at hinding hindi ko sinabi yan. " sagot ko sa kanya.

Lumapit si Sandy at inawat kami ni Raven.

" Ano ba??! Hindi ba kayo titigil? Ano Raven? Ano Charles? Mga Officers pa man din kayo! Ikaw Charles? Naturingan kang presidente tapos ikaw ang nagpapasimuno ng gulo dito! " pagtaas ng boses niya sa akin.

" Ako? Paano mo nasabi na ako? Eh.. sa dami natin dito, Ako lang ang nagmagandang loob umawat sa ginagawa niya kay Rojie. Ikaw?? Vice President ka di ba? Pero di mo iniisip ang sinasabi mo!! " nabiglang sabi ko kay Sandy.

Pagkatapos kong masabi yun ay nagsisi ako kung bakit ko nasabi yun.

Lumabas ang iba kong kaklase para tawagin si Mr.Orosco. Tumingin ako kay Sandy at nakita kong may pumatak na luha sa kanyang mga mata.

" Saaandy.. Sssooo.. " hindi ko na natapos ang paghingi ko ng tawad dahil nabigla ko.

Sinampal ako ni Sandy at ibinato sa akin ang lahat ng libro na nasa harapan nya. Pagkatapos ay lumabas siyang umiiyak ng kwarto.

" Ayos ka rin pala eh nuh?? Pati babae pinapatulan mo.." paghamak sa akin ni Raven.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at humantong sa bangayan ang away namin.

Naabutan kami ni Mr.Orosco na nag-aaway.

" Anong nangyayari dito? " pasigaw na tanong nya.

" Nag-aaway po sila! Sinisingil po kasi ni Raven yung utang ni Rojie tapos sinabihan po sya ni Charles ng walang pinag-aralan. " sumbong ng isa naming kaklase.

" Hindi sir! si Raven po kasi ang dami ring sinabi na masasakit na salita kay Pres. " pagtatanggol ng isa sa akin.

" Kahit ano pa ang sabihin sayo ng kapwa mo wag na wag kang mananabi ng walang pinag-aralan. Minsan makakarinig ka ng mura sa kapwa mo pero expression lang nila yun.. Yung manabi ka ng walang pinag-aralan panghahamak yun. Ganyan ka nalang ba manghamak Charles porke matalino ka?? " madiin na sabi saken ni Mr.Orosco.

" Pero sir hindi naman po.. " nangangatal na sagot ko.

" ENOUGH!! Kahit ano pang paliwanag mo.. Doon ka magpapaliwanag sa Guidance! "gigil na sabi saken ni Mr.Oroco habang dinuduro nya ako sa harap ng mga kaklase ko.

Wala akong nagawa kundi sundin sya dahil ginagalang ko sya bilang adviser namin.

 Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay kinalimutan ko na ang lahat para maiwasan ang pagkakaroon ng tensyon sa pangkat namin.

 Natapos ang taon ng hindi man lang kami nagpapansinan nila Sandy at Raven.

Ako ang naging top 1 sa pangkat namin at ginawaran ako ng parangal nung recognition. Masaya pero may lungkot parin dahil alam kong may kulang.

 

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon