Chapter 24 of 30

41 1 0
                                    

Summer Holiday ( Ang Pagkawala ni Ace )

" Sino sya? " I asked her.

-

" He is Tito Nedy.. Tatay ni Ace " she answered.

....

" Magandang gabi po Tito " she greeted him.

-

" Ikaw pala yan Iha. Bakit ka naparito? " he asked with a smile.

-

" Magkikita po kasi kami ni Ace ngayong araw kaso d po sya nakapunta " napayukong sabi ni Mila.

-

" Si Ace ba? Nag-aalala narin ako sa batang yon. LImang gabi at apat na araw na syang di umuuwi. Batid kong nagtampo sakin ang anak kong yon dahil sa mga nasabi ko sa kanya. Gusto ko matuto syang tumayo sa sarili nyang mga paa ng sa ganun ay hindi na kami umaasa pa sa kuya nya. 

Simula ng malumpo ako ay naging pabigat na ako sa pamilyang to. Hindi ko na kayang pag-aralin si Ace gaya ng pagpapatapos namin ng nanay nya sa kuya nya. Pinakiusapan ko nalang si Chad    ( kuya ni Ace) na pag-aralin ang kapatid nya at wag umasa sa nanay nila.

Pagkatapos ng graduation ni Ace binati sya ng kapatid nya.  Nito lang sabado, pumunta rito ang kuya nya.

.....

" Siguro naman Pa.. Tapos na kong magpaaral kay Ace. Hindi ko na sya kaya pag-aralin sa college. Highschool palang hirap na hirap nako eh..

Okay lang sana kung buwan buwan ko kayo susustentuhan ng gamot nyo....  

eh kaso pati bayarin dito sa bahay nyo ako pa gumagastos kaya nagpapatong patong problema ko " Chad complained.

-

" Naging ganyan ba kami ng nanay mo sayo Chad?? " sabat ni Tito Nedy.

-

" Pa, wala ng kakainin pamiya ko pag pinag-aral ko pa si Ace sa college! Hindi biro yun pa. Libo-libo ang binabayad sa school kada semester. Bakit hindi nyo na kasi sya ibigay kay Mama?? Yan ang hirap sa inyo eh.. Ma-PRIDE kayo eh.. HINDI NYO NAMAN KAYANG GAMPANAN RESPONSIBILIDAD NYO!!! " sumbat ng kuya ni Ace ayon sa kwento ni Tito Nedy.

-

" Chad!!! Tumigil ka na!!  Hindi porke tinustusan mo kami ng ilang taon.. may karapatan ka ng bastusin ako ngayon. Tandaan mo!!! WALA KANG MATATAPOS KUNG HINDI KA NAMIN PINAG-ARAL NG NANAY MO!!! Umalis kana bago pa kita itakwil bilang anak ko! " father answered angrily to his son.

-

Pagkaalis ng kuya ni Ace ay bigla namang dating nya kaya napagbuntungan din sya ng tatay nya. Nagtampo si Ace at umaalis sya ng bahay dala ang bag nya.

Hanggang ngayon di pa sya umuuwi ayon kay Tito Nedy.

....

Isang oras lang ang tinagal namin sa bahay nila dahil pinayuhan kami ni Tito na umuwi na dahil gabi na. Alas nuwebe pasado na ng gabi.

...

Sa paglalakad namin ay biglang huminto si Mila. Nakita kong pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Gayong nasa tapat na kami ng punong balete ay hindi ko sya maiwan. Hindi ko na alintana ang dilim na dulot ng balete dahil nakatuon lang ako sa mukha nya na nasisinagan ng liwanag ng buwan. Nawala ang takot ko sa dilim at nanaig ang sakit na nararamdaman ko buhat ng makita kong nasasaktan ang babaeng minamahal ko ng lihim.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon