Chapter 7 of 30

33 5 0
                                    

ANG AKING PAGKAWALA (Sa Talyer)

Nakapa ko sa bulsa ang tissue paper na bigay sa akin ni mama bago ako pumasok. Napahagulgol ako sa iyak sa pag-aakalang hindi ko na makikita si mama. Nangangalahating oras na akong naglalakad sa tingin ko, tuluyan na akong naligaw.

 Wala akong nagawa kundi tanggapin ang sinapit ko. Grabe, pagwala talaga ako magawa tinatanggap ko nalang . Ang BAIT ko di ba? Accept lang ng accept, mayaman tayo sa acceptance eh.

Maya-maya pa ay nakita akong umiiyak ng isang babae. Nilapitan niya ako at niyayang pumasok sa loob ng talyer nila.

Nawawala ka ba? “ tanong  niya sakin.

Opo” sagot ko. Yan lang ang malinaw na sagot na lumabas sa bibig ko. Sa dami kasi ng tinanong sakin halos lahat di ko nasagot ng ayos dahil humahagulgol ako ng iyak.

Inalok niya ako uminom ng tubig para tumahan ako pero tinanggihan ko. Dumukot sya ng pera sa wallet niya at nagpabili ng  “7 UP”  sa isa sa mga tauhan niya. Mabilis na nakarating ang lalaki na para bang sa tapat lang bumili.

Ako, umiinom ako ng softdrinks pag ganitong oras. Ikaw, gusto mo ba? “ yaya nya sakin.

Bakit  ganun? Softdrinks ang tawag ng pinoy sa “soda” ? Haaysss.. ako lang ba sosyal dito? Yaan na nga!

Hindi ka naman sumasagot eh.. Teng! Kumuha ka nga ng mga baso dun at iinom kami ”, utos niya sa lalaki.

Pagkakuha ng baso ay nilagyan nya agad at inalok sa akin.

“  Kanina tubig yung inalok niya sa akin tinanggihan ko. Ngayon naman “7 UP” na ang inaalok sa akin! CHOOSY PA??

Pakikipagtalo ko sa sarili ko dahil nahihiya naman talaga ako. Pero syempre nandiyan na yan eh.. BIRAHIN NA!

Kuhain mo na sige na habang malamig pa “,

Muling alok niya sa akin.

Habang umiinom kami ay pinag-uusapan nila kung saan ako dadalhin.. Paano nga daw ba ako makakauwe??Gusto ko sumali sa usapan nila pero sabi ni Mrs. Licop wag daw makikisali sa usapan ng  matatanda.

Pagkatapos naming uminom, sumakay kami sa kotse at hinatid nila ako sa barangay. Bumungad sa akin ang malaking letra na nakasulat sa labas.

Barangay Tunasan” WOW!! Alam mo yung lugar  nato??

Hindi mo alam?? Hindi ko rin kasi alam eh.

 Pumasok na kami sa loob ng barangay at kinausap ng may-ari ng talyer yung lalaking secretary sa  barangay. Pagkatapos nila mag-usap ay nilapitan ako ng ni Ate na may ari ng talyer.

Dito ka na muna ha..  tutulungan ka nila makauwi, sila maghahatid  sayo ”, bilin nya sakin.

Opo “ sagot ko.

Una na kami ha.. ingat ka. “ paalam niya sakin. Pagsakay nila ng kotse ay kumaway ako sa kanila tanda ng aking pamamaalam.

 

 

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon