Chapter 18 of 30

21 2 0
                                    

HIGH SCHOOL DAYS (JS PROM)

Makalipas ang dalawang taon na pag-aaral namin ay magaganap na ang pinakaiintay naming JS PROM.

Pagpasok ng unang araw ng February sinimulan agad ang pagpapraktis ng mga napiling sasayaw sa rigodon. Dahil sa ipinamalas ko na biglaang pangtangkad sa 3rd Year ay isa ako sa mga napiling sasayaw.

 Naging kapareha ko si Jenny Jimenez na kabilang sa section 4. Nakapareha  naman ng bestfriend kong si  Sasang ang escort ni Mila sa section 2, walang iba kundi si Mark Raven Arcega, ang kaklase ko nung first year na naka-away ko. Kapareha naman ni Mila ang escort namin na si Ace.

 Sa nakikita ko ay lubhang naging magkasundo ang dalawa sa mga nagdaang araw ng pagpapraktis ng sayaw. Minsan nga ay nakikita kong hinahatid ni Ace si Mila sa sakayan.

 ...Dumating na ang araw ng JS PROM.

Anim na oras pa bago ang paghahanda ay nakasalubong ko si Ace.

" Uy Charles! San ka pupunta? " tanong nya sa akin.

Hala? Kilala ako nya ako??Malamang kaklase ko sya! Walang BAGO dun..

 " Ha? Sa Labasan.. " sagot ko sa kanya.

" Ha?  Eh.. Labasan na nga to eh! " patawang sabi nya sa akin.

" Pilosopo pala to eh.. " mahinang sabi ko.

" Anong sabi mo? Sensya ka na ah.. di ko kasi narinig. " nakakunot noong sabi nya sakin.

" Sabi ko diyan ako pupunta sa Town Center " paglilinaw ko sa kanya.

" Eh ikaw? Ba't ka nandito eh.. taga tunasan ka di ba?" dugtong na tanong ko sa kanya.

" Ah ganun ba? Lumipat na kasi kami dito sa United. Doon kami banda sa Maginhawa St., yung malapit sa basketball court. " tugon nya sa akin.

" Nyek..? Paano pag ginabi ka mamaya sa JS PROM? Sa balete ka dadaan? Hala! Nakakatakot dun." usisa ko sa kanya.

" Di naman. Kahit madilim doon kaya ko naman ang sarili ko " kampanteng sagot ni Ace.

Pagkatapos naming mag-usap ay tumungo na kami sa kanya kanya naming pupuntahan.

Kinagabihan sa Prom ay nakita ko ang iba't ibang kasuotan. Si Sasang na bestfriend ko ay nakasuot  ng purple dress. Si Raven naman ay naka- red long sleeves na polo na may nakapatong na black vest. Naka-pink na gown  naman si Mila na may ternong fashion hat at si Ace naman ay naka-blue long sleeves na polo with necktie. Si Jenny naman na kapartner ko sa Rigodon ay nakaitim na gown. Samantala, sila Randy, Rico Lei at Jerson ay nagkasundo na magsuot na barong.

Pagkatapos naming magtanghal ng Rigodon ay lumapit sa akin si Raven.

" Naks! Tol, bagay na  bagay sayo yang suot mong toxido ah.." puri nya sa akin.

" Ikaw pala yan Raven. Sensya ka na nung first year ah! " nakangiting sabi ko sa kanya.

Bigla syang tumingin sa akin kaya ako nailang pero, di ako nagpahalata.

" Ako nga dapat ang humingi ng tawad eh..  Ako talaga yung may kasalanan nun at hindi ikaw..

Pasensya ka na. " tuwid na sabi nya sa akin.

 " Ganoon ba? Ganito nalang ,, kalimutan nalang natin yung nangyari dati at magpakasaya tayo ngayong gabi " masiglang sabi ko sa kanya.

" Yan ang gusto ko sayo eh.. Salamat tol! " nakangiting tugon nya at nagpaalam sa akin.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon