Chapter 5 of 30

66 5 0
                                    

ANG AKING PAGKAWALA (Firstday Elem)

Siguro sa mga oras na to alam mo na ang dahilan kung bakit ako naging malamya..

HALATA na ba??

Tigilan mo nga ako! Naglaro lang naman ah! Pero.. Sige na nga! TANGGAPIN NA!!

 Makalipas ng ilang buwan nag-aral nako sa elementarya  at Grade 1 teacher ko si Mrs.Licop kaso ayaw ko sa kanya eh.. mukhang mataray kasi!

Tinuruan niya kami kung paano sumagot ng tama sa mga simpleng tanong.

 Habang nagtuturo si ma'am ay uwing uwi na talaga ako. Tumingin ako sa labas at nakita kong kumakaway si  Mama. Sumesenyas sya sa akin na uuwi muna sya para dalhan ako ng pagkain.

IIyak dapat ako kaso biglang nagsalita yung kaklase ko..

" Oy!! Iiyak ka? Pag umiyak ka.. BAKLA ka!

Ako nga di umiyak eh ", sabi nya sa akin.

Nang-aasar atah yung kaklase ko eh..! Syempre di ako umiyak, ayaw ko maasar na bakla eh. Umalis na si Mama at wala akong nagawa.

Maya-maya pa ay nag-ring na ang bell. " Yes!! Uwian na! " sigaw naming magkakaklase.

Pinalabas na kami at bumuo ng pila sa labas.

" Kung sino man ang may sundo pwede na lumabas. Pati yung mga nakatira lang diyan sa tapat pwede na rin. Yung mga wala pang sundo antayin nyo dito sa gilid yung sundo nyo."

bilin ng matandang lady guard ng school.

Nakalabas at mabilis na nakauwi ang mga kaklase ko dahil sa tapat lang sila nakatira. Ako naman sinubukan kong antayin si Mama kaso mga kalahating oras pa lamang ang nakakalipas ay naiinip na ako.

May isang batang estudyante akong napansin siguro mga kaedad ko rin. Labas pasok sya sa school batid siguro ng guard na taga tapat lang din sya ng school kaya ok lang.

Lumapit din ako sa guard at sinabing tagaroon din ako. Nag-aalinglangan pa yung guard na pagbuksan ako pero pagkabukas na pagkabukas ng gate ay tumakbo agad ako.

"  Grabe! Ngayon ko lang napansin na may mga tatsulok na telang nakasampay dito sa kalye ng school namin. " nasabi ko sa sarili ko habang tumatakbo palabas ng kalye.

Kung ako ang tatanungin hindi ko naman talaga alam kung paano ang pauwi sa amin. Basta ang importante sa akin makalabas lang dun sa school namin.  Malakas ang loob na makita ko lang ang mga dinaanan namin ni Mama sa pagpunta sa school ay makakauwi ako.

Dali-dali kong nilakad ang kalye na natatandaan kong dinaanan namin ni Mama. Kakatakot yung titig sa akin ng mga tao. Alam mo yung tipong isasako ka at ihahagis sa tulay?? GANON!

Kaya nga ako napatakbo ng mabilis eh.

Hiningal ako kakatakbo at napahinto ako sa isang bato na may nakasulat na " United San Pedro Subdivision " , tatakbuhin ko na sana papasok kaso may mga pedicab driver na nakatingin  sakin, nagtatawanan sila.

Piling ko tuloy nag-uusap sila tungkol sakin.

" Ganito Pre, Puntahan mo yung bata tapos hawakan mo ng mahigpit.." sinabi nung lalaki sa kausap nya.

" Sige Pre! Tapos dadalhin ko sayo, ihanda mo na yung sako. " sagot ng isa.

Waaahh!! Tama kaya yung mga tumatakbo  sa isip ko?? Hala!! Katakot!

Tumayo yung lalaki at nagsimulang lumakad sa direksyon na kinaroroonan ko.

Natakot ako at napatakbo ng mabilis palayo sa batong kinatatayuan ko.

 

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon