Chapter 20 of 30

28 1 0
                                    

HIGH SCHOOL DAYS ( 4th Yr-Confession)

Sinundan ako ni Ace hanggang sa labasan.

" Charles! Galit ka ba sakin? " tanong nya.

" Galit man ako o hindi, wala ka ng paki dun! " sagot ko kay Ace sabay talikod.

" Matagal ko ng alam na may gusto ka kay Mila 2nd year palang. Hindi naman kita masisisi eh dahil maganda talaga sya.. PERO alam mo hindi ko sya minahal dahil sa itsura nya, minahal ko sya dahil alam nya kung paano umintindi ng kapwa nya. Masaya ako pag kasama ko sya. Kahit alam ko na may gusto ka sa kanya ay hindi ko na nasabi sayo na kami na. Wala ka namang magiging paki-alam di ba?? Kasi hindi naman tayo magkaibigan.

Alam mo Charles pasukan pa lang kilala na kita. Tandang-tanda ko na ikaw ang batang nakilala ko 10 years ago. Gusto ko sana magpakilala sayo pero mukhang nakalimutan mo na ako" naluluhang sabi ni Ace.

 Naalala ko bigla ang  pangyayaring iyon kaya hinarap ko si Ace.

" Ikaw?? Ikaw yung batang yun? Taga-roon ka di ba? Hindi mo man lang ako binalikan! Ang sabi mo nung mga oras na iyon tutulungan mo ako pero iniwan mo rin ako di ba??  Hindi mo man lang inisip na maraming pwedeng mangyari sakin sa lansangan nung araw na yun. Natuwa pa naman ako na mayroon na akong makakasama nung mga oras na yun pero wala rin pala. Halos ipagkatiwala ko nga sayo yung sarili ko eh.. dahil umaasa ako na matutulungan mo ako.  Siguro , dapat akong magpasalamat sayo dahil natuto akong magtiwala sa sarili ko at wag umasa  sa ibang  tao.. taong katulad mo! " sumbat ko sa kanya.

" Alam mo Charles, inisip kong bumawi sayo pero hindi ko nagawa dahil nag-iba ka na. Naging desperado nga ako na makipag-kaibigan sayo dahil patapos nalang ang taon natin dito pero hindi ko nagawang kaibiganin ka. Minsan nga natitigilan ako sa plano kong kaibiganin ka dahil baka mamaya naging matalik na tayong kaibigan pero biglaan tayong  magkakalimutan ng dahil lang sa nalaman mo na ako ang batang nang-iwan sayo. Charles kung alam mo lang sana na bum... " natigilan sya nang bigla akong magsalita.

" Tama na Ace! Kahit kailan di kita ituturing na kaibigan! Siguro nga minsan kitang hinangaan dahil ikaw ang laging bida sa school na to.

Hindi ko na dapat sinasabi sayo to pero alam mo masama ang loob ko sayo dahil sa dami-rami ng pwedeng maging karibal ko naging ikaw pa!  " madiing sabi ko sa kanya.

Tumahimik at yumuko si Ace matapos kong sabihin lahat ng saloobin ko sa kanya.

Malaya kaming nakaalis ni Sasang at hindi nya na kami sinundan.

Makalipas ang isang buwan ay dumating na ang araw ng aming pagtatapos. Si Ace ang naging Valedictorian at ako naman ang naging Salutatorian.

Matapos ang programa para sa mga nagsipagtapos ay nakita kong nag-uusap si Ace at  Mila. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko na nilapitan si Mila para batiin.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon