Chapter 1 0f 30

76 7 0
                                    

Ang  aking kabataan (Warprick)

Nung pitong taon ako wala akong nararamdaman na kahit anong bakas ng pagiging malamya ko.

Maituturing ko na sa aming magpipinsan ako na yung pinakamaton dahil ako na yung pinakasiga.

Naalala ko pa nga dati binubuhat ako ng panganay kong kapatid na lalaki kapag ako ang nanalo sa suntukan. Naawa ako kay Ate Bunny na kapatid ng pinsan kong nakaaway ko.

Para kayong mga siraulo!! May sakit yang kapatid ko eh!” galit na sabi niya sa mga taong naroon.

Tinitigan ko yung pinsan ko na si Buboy at napangiti ako. “Bakla kasi yan eh.., kaya natatalo sa suntukan!” pangungutya ko kay Buboy.

Naisip ko yung mga oras na nakikipagsuntukan ako. Kinakabahan din aman ako pero nananaig sa akin ang bagay na ikakapanalo ko. Takot din naman akong masuntok kaya nga siniksik ko sya sa sulok eh para di sya makagalaw. Yung tipong “corner” sya sa suntok ko? Grabe! Bata pa lang may strategy na!

 Naalala ko nung 2001 umuwi si Tita Zeny galing Texas nag family picture kami.

Grabe! Ang pangit ko sobra!  Ako yung kalbo na mukha talagang masamang tao. Anim na taon pa lang naman kasi ako noon. Si Buboy nga baklang bakla sa kuha niya eh!

Tiningnan ko rin yung ibang mga picture ng pinsan ko. Ang dami pala namin? Isipin mo nalang labing isa sila mama na magkakapatid. Bawat isa ay may higit kumulang na walong anak. Kung may maliit mang pamilya, tatlo o apat ang anak.

Siyam kaming magkakapatid namatay yung pangalawa kay Ate Shairee  kaya walo nalang kami. Balita ko maganda daw yun si Ate Krisha kaso namatay. Sayang! Hindi ko man lang nakita yun kahit sa litrato man lang. Pero ok lang, sadyang may plano si Lord kaya nangyayari ang bawat bagay. Pito kaming lalake at nag-iisa lang si Ate Shairee na babae. Sunod layaw yun si Ate, unica ija eh.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon