Chapter 17 of 30 ( Continuity)

17 2 0
                                    

HIGH SCHOOL DAYS (Meet My New Crush & My New Bestfriend)

Hindi ko parin alam kong nabasa na ba ni Sandy ang sinulat ko.

Nakita ko na inaasar sya sa hagdanan ng mga kaklase naming lalake.

" Charles! " tawag nya kay Sandy.

Bakit tinatawag niya si Sandy sa pangalan ko? Hindi ko na pinansin yun.. dumiretso nalang ako at nilagpasan ko sila. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong may nakasulat sa black board na

" Sandy <3Charles "

" Ano to? Parang mga bata naman kayo! " puna ko sa mga nagsusulat sa board.

" Ano ka ba? Nung isang araw nakita namin si Sandy na nagsusulat ng love letter para sayo! Di mo natanggap?? " naging tugon nito sa akin.

" Ano ka ba! Di nya matatanggap yun! Pagkatapos agawin ni Salazar yung sulat, binasa nya sa unahan. Nahiya ata si Sandy kaya pinunit nya yung papel. Wag ka mag-alala Charles gusto mo ba sabihin ko sayo yung nakasulat?

'Dear Charles, pasensya kana kung ngayon ko lang nabasa yung sulat mo. Flattered  naman ako may kendi pa sa loob..'

Tsaka.. Anu nga ulit yung nakalagay sa kendi?? Haays.. Ikaw nalang kaya magtanong sa kanya..

MR.MANHID!! hahaha " pangungutyang dagdag ng isa kong kaklase.

Bago pa dumating si Sandy ay binura ko na ang nakasulat sa blackboard.

Uwian na namin ng takbuhin ko si Sandy para kausapin.

" Nabasa mo na ba? " tanong ko sa kanya.

" Oo Charles, pasensya ka na kung hindi ako nakasagot sa sulat mo.

 Pero sa tingin ko sapat na ang nakasulat sa kending  to " nakangiting sabi ni Sandy habang iniaabot sa akin ang kendi.

" Let's Be Friends "

Kung hindi ako nagkakamali ito ang kendi na isiningit ko sa notebook niya.

" Ito yung sagot mo? " nakangiting tanong ko.

" Oo Bestfriend! "  mabilis na sagot niya sa akin.

July  8, 2009 (Wednesday)

Eksaktong araw na naging magkaibigan kami ni  Sandy.

Simula nun, Lagi na ako pumupunta ng San Antonio tuwing weekends para makipagkulitan sa kanya. Nalaman ko rin ang palayaw nya dahil naririnig ko sa mga pinsan, kapatid at ibang kamag-anak nya.

" Magandang araw po.Si Sandy po ba andiyan? " tanong ko sa magulang ni Sandy.

" Sasang! Kaibigan mo nandito sa pinto! " tawag sa kanya ng magulang niya.

" Sang! Sasang! Sasang! Sasang!Ang bagal eh! "pagmamadali ko sa kanya.

" Wow ha? Maka-Sasang kang CHACHA KA!! "pikong sabi nya.

Sa mga oras na iyon ay napatunayan ko ang kasabihan na:

" Ang kaaway mo kahapon ay maaaring maging matalik na kaibigan mo ngayon. 

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon