Chapter 10 of 30

29 5 0
                                    

Habitual

 Ang baitang ko sa elementarya ang lubos o may malaking bahagi kung bakit ako tuluyang naging malamya.

Nakakahiya mang isipin pero alam mo naman na nawili talaga ako sa pakikipaglaro sa mga pinsan kong babae nung hindi pa ako nag-aaral at syempre nadala ko yung kawilihan na iyon sa buong taon ng pag-aaral ko sa elementarya.

Lagi akong  excited umuwi ng bahay dahil alam kong maglalaro kami ng mga pinsan ko.

Nag-aaral din naman yung mga pinsan ko pero karamihan sa kanila half-day lang kaya minsan di maiwasang magkainggitan.

Ipinagmamalaki kasi nila na naglaro daw sila ng lutu-lutuan, bahay-bahayan at  nakitulog silang lahat sa bahay ni ganito nung tanghali at nagkulitan daw sila bago matulog.

Haays!! Siyempre nainggit naman ako kaya ang ginagawa ko iniipon ko yung baon ko para makabili ng laruan tapos ipagmamalaki ko sa kanila para mainggit sila.

Well.. bata pa lang may ATTITUDE NA!!

Minsan dumadating na sa puntong ang simpleng inggitan nagiging away bata na.

KEZHO.. wag daw bati sya dahil di nagpahiram ng bola. Hindi daw namigay ng pagkain.. sows

At hindi lang yan ito pa malupit....  hindi mo lang napansin, hindi agad bati ??

Uso sa amin yung umiiyak pag hindi sya bati ng mga kalaro niya. Malamang pag hindi ka kasi namin bati bawal ka sumali sa laro namin. Maninigas ka talaga sa kakatitig lang sa laro namin. Kadalasang nilalaro namin piko, chinese garter, jackstone, lutu-lutuan o kaya naman bahay-bahayan. Halos puro babae kasi ang bumubuo ng kabataan sa amin kaya NO CHOICE ka talaga. Minsan naglalaro rin kami-kami lang mga lalake. Maski lima lang kami nilalaro namin yung Follow the Leader, Bente-Uno, mataya-taya, langit lupa, Boom Sak at ang pinaka-ayaw kong Wrestling..tsk! tsk!

Hindi ako nawawala sa mga laro na yan.. lalo naman sa mga laro ng mga pinsan kong babae.

Doon ako sinimulang asarin na “bakla” ng mga pinsan at kapatid ko. Nakakahiya kasi pag may pumupuntang kaklase mo aasarin ka na bakla ka kaya ayun suntukan lagi. Minsan nga di ko nalang pinapansin para maiwasan yung away.

 

Haayss.. Buhay nga naman ang HAARD!!

 

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon