Chapter 12 0f 30

24 5 0
                                    

HIGH SCHOOL DAYS (FIRST DAY HIGH 1)

Dumating ang araw ng pasukan ng wala akong bagong sapatos. Wow ha?? Pinamukha pa talaga sa akin ni Mama na bago pa naman ang sapatos ko kaya di daw muna ako bibilhan. tsk!

Ang KURIPOT eh!

"  Saan kaya yung magiging room ko ??

1st Floor,2nd Floor o 3rd Floor kaya??" nananabik  kong tanong sa aking sarili habang nag-aantay ng masasakyan.

Nakasakay rin ako at nakarating sa school. Pagkababa ng sasakyan wala man lang akong nakita na nakangiti.. Lahat POKER FACE! Siguro dahil mga bago palang ay wala rin silang kilala kagaya ko.

Lumapit ako sa listahan na kung saan makikita mo ang pangalan at section na kinabibilangan ng mga estudyante.

" Ano kayang section ko? " tanong ng babae sa kasama nya.

" Asa ka pa maging higher section..! Eh.. ang baba ng grado mo teh! " pakutyang sagot ng kasama.

" Sige ikaw na! Ikaw na bida! " sagot nya rito.

Sa dami ng estudyanteng nakalista ay mahihirapan ka talagang hanapin ang pangalan mo. Maya-maya pa ay nakita ko kung anong section ako nabibilang.

Abuel, Reymundo           C.

Ancheta, Rico Lei               F.

Arcega, Mark Raven       D.

Aredan, Charles John     V.

Asuncion, Leonilo            F.

Ito ang hanay ng mga lalake sa section 5. Ang dami pala namin! Nakaayos ang pangalan namin alphabetically. Hindi ko na napansin ang mga pangalan sa baba ng makita ko ang pangalan ko. Importante lang naman sakin yung pangalan at section ko eh.. wala ng iba.

"Hala teh! Ang GWAPO ni koya!! " pagtili ng babae habang hinihila ang buhok ng katabi nya.

" Araaay! " sigaw ng katabi nito na palingon palang.

" OMG!! ang GWAPO nga!! " dagdag nito.

Natigilan ako dahil sa ingay nila.. hiyang hiya naman ako.. ako kaya yung katabi nila kakarindi!

Baka ako yung pinag-uusapan nila. ASSUMING?? Alam ko naman na di ako yun kasi kanina pa ako nakatayo dun wala namang pumapansin sakin.

Lumingon ako para tingnan kung sino ba ang pinag-uusapan nila kaso nakatagilid eh.. kaya di ko nakita yung mukha nya. Halos lahat nakatingin sa kanya. FAMOUS!!  Ganun na lang ba sya ka-gwapo?? parang di naman!

Binalik ko ang atensyon ko sa mga listahan para makita ko kung may kakilala ako na doon rin mag-aaral.

" Ito ba yung listahan para malaman mo kung ano yung section mo? " tanong ng tao na nasa likod ko.

" Oo. Hindi mo pa ba nakikita pangalan mo? " tugon ko sa kanya ng di man lang lumilingon.

" Pwede patingin ako? " paghingi nya sakin ng permiso.

" Oo naman! Sige dito ka sa unahan. " yaya ko sa kanya.

Dumaan sya sa harapan ko at nakita ang mukha niya. Hindi ko akalain na ang taong nagtatanong sa akin ay ang estudyanteng nakasabay ko rin noong enrolment day.

" Ano kayang section nya? Mukhang nanghuhula lang kasi to nung Reading Test eh! Sya unang nakatapos? Ang BANGiiiSS!! " nasambit ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya.

 

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon