Chapter 19 of 30

19 1 0
                                    

HIGH SCHOOL DAYS ( 4th Yr-Confusion Stage)

Pagkalipas ng isang taon.

" Grabeh!! Dalawang buwan nalang gagraduate na tayo! " masayang kibo sa akin ni Sasang.

 Nung mga oras na iyon ay naguguluhan ako sa mga nangyayari  na napapansin ko noong mga nakaraang araw.

 " Best! Wala ka ba napapansin?? " tanong ko sa kanya.

" Napapansin na ano? Wala naman, maliban sa nakatingin satin ngayon si Ace.  " sagot niya.

" Loko ka! Ang lakas ng bibig mo,  rinig na rinig eh! " pagsaway ko sa kanya.

" Sorry naman Best! Alam mo namang kaka-RECESS ko lang eh.. malamang full of energy pa ako! Joke.. Best wag ka pikon. " birong sabi nya.

" Nakakailang kasi eh.. Parang di ako makakilos ng ayos dahil piling ko laging may nakatingin sakin. Ako yung nako-CONFUSED eh. " dugtong na sabi ko sa kanya.

" Hala Best! Wag kang ma-Confused malay mo bakla lang talaga yan si Ace! " nanlalaking mata na sinabi sakin ni Sasang.

Maya-maya pa ay nagsimula na muli ang klase.

Tumingin-tingin ako sa paligid at dinaanan ko ng  tingin ang mga kaklase ko nang biglang makita ko si Ace na nakatingin sa akin. Nagkasalubong ang mga mata namin at nagkatitigan. Kumindat sya at ngumiti sa akin. Ikinairita ko ang bagay na iyon kaya tinitigan ko sya ng masama para maramdaman nyang dismayado ako sa kanya.

Pagkatapos nun ay ibinaling ko ang mga mata ko sa papel at ipinagpatuloy ang pagsusulat ko.

Nagulat ako nang biglang may lumapit sa akin, ipinatong nya ang  kamay nya sa balikat ko. Lumingon ako nakita kong si Ace ang taong iyon. Pumutok ang galit ko dahil nakaka-lalaki na ang ginagawa niya.

Tumayo ako para harapin sya at komprontahin sa nakakairitang ginagawa nya ngunit bigla syang lumapit sa akin na halos magkadikit na ang mukha naming dalawa. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ko.

" Mr. Charles Aredan! I've called you three times.. I said please read sentence number 8! " boses ni Mrs. Aguinaldo na gumising sa naguguluhan kong isip.

" YUCK!! Kadiri! Buti na lang di totoo yun. Nakakainis pati isipan ko ginugulo ng gunggong na yon! " galit na sabi ko sa aking sarili.

Pagpatak ng alas dose ay pinauwi na agad  kami ni Mrs.Aguinaldo.  Naiwan kaming mga cleaners sa araw na iyon at dahil magkapareha kami ng apelyido ni Ace ay magkasama kaming naglinis.

Habang naglilinis ay nag-aasaran sila hanggang sa madamay ako.

" Cha! Inaantay ka ng girlfriend mo sa labas! " biro ng kaklase kong lalake na ang tinutukoy ay si Sasang.

" Girlfriend ka diyan?? Bakla kaya yan si Charles!" kutya ng kaklase kong babae.

" Subagay, sa dami ng babae na binasted nya CONFIRM na!! " dugtong ng isa.

 Ngumiti nalang ako at hindi ko sila pinansin pero nag-DARE sila sa akin. Tinulak ako ni Rina sa sulok ng dingding at lumapit sa akin.

" Sige nga Charles, halikan mo ako kung lalaki ka! " pamimilit nya sa akin.

Alam mo Rina kung ikaw lang din ang hahalikan ko.. magpapaka-bakla nalang ako. Alam mo dapat hindi mo sakin  ginagawa yan. Tumingin tingin ka lang sa paligid para malaman mo na hindi ako ang bakla sa kwartong to! " galit na sabi ko sa kanya at ibinaling ko ang tingin ko kay Ace.

Edi.. Sino?? Si Ace?? Hindi mo ba alam na kaka-isang taon lang nila ni Mila na magkarelasyon nung last week? Marunong sya magpahalaga sa babae di katulad mo. " paliwanag ni Rina.

 Nasaktan ako kaya pinili ko nalang na lumabas.

Nag-isang taon sila ni Mila nung last week?? Ibig sabihin naging sila nung February 18.. JS PROM namin nung third year? Hindi ko maisip na magiging sila. Pinangako ko pa naman na liligawan ko si Mila pagka-graduate namin ng high school.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon