Chapter 16 0f 30 (Continuity)

26 3 0
                                    

HIGH SCHOOL DAYS (A Letter)

Dahil ako ang naging top 1 sa klase namin ay nakabilang ako sa section 1 pagtungtong namin ng 2nd year. At dahil top 2 si Sandy, nakasama ko rin sya. Ramdam ko na galit parin sya sakin kaya't umisip ako ng paraan.

Maagang-maaga pa ay pinapasok na ang lahat ng estudyante sa loob ng classroom para maiwasan ang pagtambay sa labas ng building.

Gaya ng nakasanayan muling magpapakilala ang bawat isa para makilala ng mga bago nilang kaklase. Habang nagpapakilala ang iba ay sumusulat ako ng liham para kay Sandy. Sa pagsusulat ay di ko namalayan na ako na pala ang susunod.

NEXT! Who’s next?? “ tawag pansin ni Ms.Carillo.

 “ Huy! Ikaw na yung sunod! “ tapik sa akin ng katabi ko.

Saaaandy Cuarteros!!! “ nabigla kong sabi at nabitawan ang ballpen na hawak ko.

Whaat?? Sandy Cuarteros sya. Sandy Cuarteros ka rin?? “ tanong ni Ms. Carillo na animoy nagpapatawa.

Nagtawanan ang lahat habang nakatitig sa akin. Napayuko nalang ako sa sobrang hiya.

Sige! Ako na FAMOUS!! Jowk.

Sorry, I mean my name is Charles John V. Aredan. I am 14 years old and I live in United San Pedro, Laguna. “ sagot ko na bakas ang pagkapikon sa aking mukha.

Tumahimik ang lahat ng ilang sandali at nagbulungan.

Ok.. next! “ muling tawag ni Ms. Carillo.

Pagkaupo ko ay pinagpatuloy ko ang sinusulat kong liham para kay Sandy. Malapit na akong matapos nang bigla akong natigilan.

Hi, Good morning everybody..

John Ace C. Aredan is here. I am 14 years old and I live in Villa Carolina Sub.1 Tunasan, Muntinlupa City. “ pakilala nya sa kanyang sarili.

Sa aking narinig ay biglang naguluhan ang aking isip..

Magiging magkaibigan kaya kami nito? Parang suplado. Angas eh! Pero mukhang mabait naman to si Ace. Parang dati lang nakikita ko lang sya di ko akalain na ngayon kaklase ko na..

Bulong ko sa aking sarili.

Magkapatid kayo? “ tanong ng katabi ko sa akin.

Ha?? Di eh.. “ sagot ko.

Magpinsan?? Malayong kamag-anak?? “ muli nyang tanong sakin.

Ahhh... Oo.. Pwede..,  Pero hindi  eh. “ naguguluhang sagot ko.

Ano ba talaga? Ang gulo mo naman ” nadismayang sagot ng katabi ko.

Maya-maya pa ay tumunog na ang bell.

RECESS TIME!! “ sigaw ng mga estudyante.

Dali-dali akong tumakbo patungo sa canteen para lang bumili ng kending “ FRES” .

Ate, pwede po bang pumile? “ tanong ko sa tindera.

Hay nako.. Iisa lang ang lasa niyan! “ sagot ni Ate.

Ate sige na po, maski 5 pesos pa po isa. Papili lang po please.. “  pamimilit na sabi ko sa tindera.

Nako! Mga highschool student nga naman! Pumili ka na dalian mo “ pagpayag ni Ate.

Pagkapili ko ay agad akong bumalik sa room. Nakita ko na nasa lapag ang notebook ni Sandy. Isiningit ko sa loob nito ang liham na ginawa ko at ang kending binili ko. Ilalapag ko na sana nang may biglang dumating..

Malaglag man ang notebook na yan, hinding hindi ko kakailanganin ang tulong mo para damputin ang gamit ko. “ tinig ng babaeng nasa likuran ko.

Sandy?? “ mahinang sabi ko.

Salamat Charles. Pwede ka ng bumalik sa upuan mo. “ tugon nya sa akin na para bang walang kinakausap.

Batid ko na ayaw nyang makipag-usap sa akin kaya bumalik nalang ako sa kinauupuan ko.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon