Chapter 9 of 30

29 5 0
                                    

ANG AKING PAGKAWALA (Mission Accomplished)

Naalala ni Mr.Garcia na habang nasa barangay kami ay may sinabi ako tungkol sa daan patungo sa school ko.

Bago po kayo makapunta sa school dadaan po kayo sa sa malaking manok na bato.. ” sagot ko sa isa sa mga tanod na nagtatanong sa akin kung alam ko ang address ng bahay namin o kaya address ng school ko.

Tumulin ang takbo namin at nakarating kami sa sinasabi kong malaking manok na bato.

Bakit ba ngayon ko lang naisip na taga San Pedro ka? Di ko kaagad naisip yun ah! Kaunti na lang makakauwi ka na.

Nakangiting sabi ni Mr.Garcia sa akin habang matulin na pinapatakbo ang mobile na dina-drive nya. Sa puntong yun, alam kong alam na nya kung anong eskwelahan ang dapat nyang puntahan.

Dumire-diretso kami sa highway ng San Pedro hanggang makarating sa school na alam ni Mr.Garcia. Nang makarating kami ay napalingon ako sa kanya dahil hindi naman ako nag-aaral sa school na pinuntahan namin.

Central Elementary School

Tiningnan ko ang paligid ngunit wala naman akong  nakita na mga makulay na telang hugis tatsulok  na nakasabit sa kalye.

Sinabi ko kay Mr. Garcia na hindi ako nag-aaral doon dahil wala ang palatandaan kong makukulay na telang nakasabit sa kalye ng school pero  tumanggi sya sa akin. Nakausap na niya daw ang principal ng school at sinabi nito na maaaring doon raw talaga ako nag-aaral.

Ibinilin nya ako sa guro na pinagdalhan nya sa akin. Paalis na sya ng umiyak ako.

Hindi po dito ang school ko!! “ sigaw ko na umaasang babalikan nya ako.. ngunit hindi nya ako nilingon at dumiretso lang sya ng lakad.

Sinong teacher mo? “ tanong na guro sa akin.

Naalala ko ang turo sa akin ni Mrs.Licop.

My teacher is Mrs. Licop. I study  at San Antonio Elementary School and our principal is Mrs. Erlinda Megino. “ malakas  at kumpiyansadong sagot ko sa guro.

Wow! Ang galing mo naman sumagot “ pagkatuwang sabi nito at hinawakan ang buhok ko.

Maya-maya pa ay nakita kong nagugulumihanan ang guro marahil batid nya na wala naman gurong may pangalan na gaya ng binigkas ko. Iba rin ang pangalan ng  principal na sinabi ko.

Aalis na dapat kami ng guro nang makita kong nakikipag-usap si Mr.Garcia sa gate. Tatakbuhin ko dapat sya kaso nawalan na ako ng pag-asa.

Inisip ko nalang na baka ang gurong kasama ko ang makakatulong sa akin at hindi si Mr.Garcia.

Lumakad kami ng guro sa direksyong kinaroroonan ng faculty. Marahil hindi nya alam kung saan ako dadalhin kaya itatanong nya muna sa registrar ng school.

Papanig na kami ng hagdan ng biglang may humawak sa balikat ko.

Mr. Garcia! Buti po bumalik kayo “ sambit ng guro. Nandilat ang mga mata ko sa aking narinig.

Naalala ko kasi na may sinabi ang batang ito na may makukulay na telang tatsulok na nakasabit sa kalye nila. Ang ibig sabihin nya ay banderitas kaya tinanong ko ang mga tao sa labas kung anung lugar dito ang malapit ng magdiwang ng fiesta. Tinuro nila ang barangay sa banda roon at malapit lang dito. Ibig sabihin tama ang sinasabi ng batang to na hindi sya rito nag-aaral. “ paliwanag ni Mr.Garcia.

Buti po bumalik kayo. Dadalhin ko po sana sya sa faculty para mai-check yung name niya kung naka-register. Iba po kasi ang teacher at principal na kilala nya. Bago palang po kasi ako dito kaya hindi ko alam yung school na binanggit nya kanina pero pamilyar po sa akin kaya itatanong ko sana sa mga nasa faculty. Ihahatid nyo na po ba sya? “ tugon ng guro.

A.. Opo . Sige po ma’am una na po kami. Buti nalang matalinong bata ito. “ puri nya sa akin.

“  Sige po ingat. “ pamamaalan ng guro.

 

Eksaktong 4:30 ng hapon

Naisauli ako sa mga magulang ko. Ramdam ko ang tuwa ni Mama at Papa nang makita nila ako.

Maituturing ko na ang karanasan kong ito ay magsisilbing aral sa mga batang makakabasa nito.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon