Chapter 11 of 30

29 5 0
                                    

HIGH SCHOOL DAYS (Enrolment day)

Nagtapos ako ng elementarya taong 2008.

Bakasyon pa lang alam ko na kung saan ako mag-aaral. Hindi ko alam kung excited ba ako o sadyang kabado lang ako.

Pagkaka-alam ko kasi mahirap sa highschool eh.. Nangenge-alam ako dati ng mga notebook ng kuya ko at hindi ko maintindihan yung mga lesson nila. Ang sakit sa ULO!!

Sa oras na to di ko pa alam kung madali o masaya ba ang high school life. Lahat yan malalaman ko palang sa oras na tumungtong ako sa mataas na paaralan.

Unang linggo na pala ng June pero hindi ko pa dama na mag-aaral na ako. Maaga pa lang ginising na ako ni mama para mag-paenroll sa Adelina. “Sino nga bang makakapagsabi na sa liit kong ito ay First Year na ako?? “ pakutyang sabi ko sa aking sarili habang nakasakay sa tricycle patungong school.

 

Pagkababa ng sasakyan ay bumungad sa akin ang malaking bilang ng mga estudyante. Pagkapasok ko sa eskwelahan ay nakita ko ang building na may nakasulat na

Sampaguita National High School

Naks! High School .. Bago sa pandinig ko!

 Tinawag ako ni Mama para magparegister sa babaeng nakupo sa tabi ng puno. Inilista ang pangalan ko at nilagyan ng bilang ang Card ko.

Misis after po dito, punta po kayo dun sa first floor ng building. Pasok po kayo dun sa Reading Test Room. “ turo ng babaeng nagregister sa akin.

 Pumanig na kami at naabutan naming maikli ang pila. Sinuswerte nga naman! Akalain mo yun... sunod na agad kami??

Ramdam ko na mabilis na matatapos to. “ kampanteng sabi ko sa sarili.

“Kayong lima, kayo na sunod. “ sabi ng bantay sa labas ng kwarto. Dalawang babae at kaming tatlong lalaki ang sabay-sabay na pumasok sa loob.

Grabe!! Bakit kailangan pa kasi ng mga ganito? Ginagawa na to sa elementary pati pa rito ganoon parin “ angal ng isa kong kasabay na babae.

Pinaupo na kami at binigyan ng kanya kanyang sagutang papel. Ang Reading Test ay naglalaman ng mga katanungang susukat sa kung gaano mo naintindihan ang binasa mo. Nasa pang 15 na tanong na ako at 5 puntos nalang tapos na ko.

Ang huling tanong ay ang paglikha ng sanaysay. Ibuod ang kwentong binasa.., ito ang huling tanong na dapat kong sagutin. Limang puntos para sa sampung pangungusap.

Bago ako sumagot ay tiningnan ko ang mga kasabay ko. Sa mukha nila kitang kita ko na nahihirapan sila maliban sa isa na napansin ko.

Sa aming lima sya lang ang parang kanina pa tapos.

Hala? Tapos agad?? Nanghula lang ata to eh..

Bulong ko sa sarili.

Pamilyar ang itsura niya pero hindi ko maalala kung saan kami nagkita kaya hindi ko nalang pinansin.

Sinagutan ko na ang huling tanong at tama lang ang oras na nagamit ko dahil pagkatapos ko ay syaring pagkakakuha ng papel sa amin.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon