-TEASER- (I.H.C.B)

127 7 1
                                    

Ang Aking pagkawala nung ako’y pitong taon pa lamang ang unang naging dagok sa aking kabataan. Nawala ang tiwala ko sa ibang tao buhat ng pagkabigo sa batang nangakong tutulungan ako.

Nagkamali ako roon at nagbago ang pananaw ko mula ng makilala’t maging kaibigan ko si Sasang ( Sandy Cuarteros).

Nalagpasan ko ang lahat ng iyon ngunit hindi ko alam na mas magiging malaki ang impluwensya ng aking kabataan sa piling ng mga taong araw-araw kong nakakasama.

Sabi nila wag ka daw masasaktan sa mga itinitukso sayo kung hindi naman totoo.

WOW HA??!  Sino ba naman ang hindi masasaktan gayong hindi  totoo ay ipinapahiya ka sa ibang tao?

Dahil sa pang-iinsulto na natatanggap ko ay naging confused ako sa pagkalalaki ko. Nawalan ako ng interes sa kababaihan. Maliban kay Sasang , lahat ng babae ay tinuring ko lamang na isang tagahanga.

Hindi ko akalain na magbabago ang lahat sa pagdating ni Mila Jane Romana  sa buhay ko.

Gayong batid ko na mayroon akong makakaribal sa kanya ay tinuon ko na liligawan ko sya pagkatapos ng taon namin sa sekondarya.

Labis akong nasaktan ng malaman kong hindi pa dumadating ang araw ng aming pagtatapos ay may isang taon ng kasintahan si Mila.

May nalalabi pa kayang pag-asa sa akin??

 Paano ko naman mapapatawad ang unang taong sumira ng pangako sa akin kung sa muling pagtatagpo ng landas namin ay lalong bumigat ang galit na nararamdaman ko sa kanya??

Kapatawaran ba ang igagawad ko kung sa pagdating niya ay nasira ang pangarap ko para sa babaeng minamahal ko?

.........

...........................................................................................................................................................................

PLEASE READ..  >>>>>>>>>>>>>>>>

 

 

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon