Chapter 22 of 30

28 1 0
                                    

Summer Holiday (Pangitain)

Gabi na ng makauwi kami. Bukod sa pagbili ng sabon ay niyaya rin ako ni Sasang sumakay sa mga rides. Kumain rin kami sa Mcdo bago naisipang umuwi.

 Naghiwalay kami sa 7/11.

Hindi ko na sya hinatid.. MAS MATON pa sakin yun eh!!!

Para makatipid pinili ko nalang maglakad pauwi. Habang naglalakad ay iniisip ko ang mga kulitan namin ni Sasang sa Festival.

Kinilabutan ako ng biglang lumakas ang hangin. Tumingin ako sa langit pero walang kahit anung bakas na uulan nung gabing iyon. Maya maya pa ay nakita ko ang isang lalake na tumatakbo palapit sa akin. Lumagpas sya ngunit nakita ko ang mukha nya nang dumaan sya sa harapan ko.

" Si Ace yun a! Gabi na nag jojogging pa sya? Haaaays..>,< pero hindi rin kasi nakita ko sa mga mata nya ang pagkabalisa. Pagkabalisa nga lang ba? Bakit dama ko na natatakot sya? "

Sa direksyon na pinanggalingan nya ay sigurado akong sa court sya galing. Lumingon ako sa likod ngunit wala na sya.

Dineretso ko ang daang highway dahil gaya ng nakasanayan, hindi ako dumadaan sa court  dahil madadaanan ko ang madilim na balete. Katakot kasi eh!

At around 11 o'clock in the evening, nakauwi narin ako sa bahay. Naabutan kong sarado ang pinto kaya kumatok pa ako. Pagpasok ay hindi na ako kumain dahil busog naman ako.

Hanggang sa pagtulog ko ay naguguluhan parin ako. Hindi ko makalimutan ang itsura ni Ace na humihingal habang tumatakbo.

Pagkakita ko sa kanya ay sinubukan kong tunguhin ang lugar na pinanggalingan nya. Takot man ako ay pinilit ko paring dumiretso sa madilim na punong balete.

Sa malayo palang ay nakarinig nako ng boses ng dalawang lalaking nagtatalo.

"Pre! Bakit mo binaril?!"

-

" Eh..pinadugo ng lintik na yan yung ulo ko eh!!"

-

Natakot ako sa mga narinig ko. Sinilip ko kung ano ang nangyayari habang nakatago sa gilid ng puno.Nakita ko ang isang lalake na nakadapa sa kalsada. Nanginginig ang katawan ko at hindi ako makakilos sa nakita ko.

Nagpatirapa ako sa lupa at aksidente kong nadaganan ang isang tuyong sanga dahilan ng paglikha ng ingay nito.

" Sino yan? Lumabas ka na, wala ka namang matatakbuhan e " mahinahon na paanyaya nito sa akin.

Anu ka ba pre? DAGA lang yan! " pagwasto ng kasama nito sabay putok ng baril sa itaas.

Natakot ako na sunod na paputukan ang lugar na pinagtataguan ko kaya..

tumakbo ako palayo.

" Sabi ko naman sayo eh! Daga! Malaking daga! Tara habulin natin!  "

Malapit na ako sa highway nang bigla nila akong maabutan.

" Bata! Akala mo ba makakapagsumbong ka? Diyan ka nagkakamali!!! " banta nito sabay tutok ng baril sakin.

...

....

...

" ARAAAAAY!!! " napasigaw ako sa sakit ng ulo ko.

Pagkadilat ko ay nakita ko ang kapatid kong si Joseph.

" Sorry.. Mama told me na palipatin ka sa kwarto nyo nila kuya. Hindi ko alam kung pano ka gigisingin eh.. kaya tinanggal ko nalang yung bag na nasa ulo mo. Diyan ka pa kasi natulog sa upuan eh.  " paliwanag nya.

Sa sobrang pagod ko ay di ko na namalayan na sa sala na pala ako nakatulog. 

San ba nagmana tong kapatid ko??

Medyo may pagka-SADISTA! Pwede namang tapikin eh. Ang sakit tuloy ng ulo ko.

Bibinggo dapat ng kutos sakin yung kapatid ko e.. kaso pinalagpas ko na kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ako magigising sa mala-bangungot kong panaginip.

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon