Chapter 14 of 30

34 5 0
                                    

HIGH SCHOOL DAYS (1st Yr.-Nutrition Month)

Makalipas ng ilang buwan ay nagkaroon ng programa sa aming eskwelahan.

Gaya ng sa Elementary mayroon din palang

 “ Nutrition Month”  sa high school.

Pinangunahan ng T.L.E Department ang pag-oorganize ng mga contest kagaya ng Poster making, Nutri-cooking, Jingle making at Quiz bee.

Nakita ko kung gaano kagaling magtanghal ang pangkat na kinabibilangan ng estudyanteng naka-usap ko nitong kailan lang.

Dalawang buwan na ang nakakalipas pero di ko parin alam ang pangalan nya.

Nakilahok ang section namin sa Nutri-cooking contest. Pangunahing sangkap ang gulay na malunggay. Sa dami ng magagaling na kalahok hindi na ako magtataka kung hindi kami nanalo.

USO naman yun eh.. SANAY NA!!

 

--Dumating ang araw ng awarding.

Nagulat ako ng marinig ko ang apelyido ko.

Naks! Brad panalo ka daw sa quiz bee? “ tuwang-tuwang sabi ni Randy.

“ Ha? Eh di naman ako sumali eh..! “ nagtatakang sabi ko sa kanila.

Nyek?? Eh sino yun?? “ dismayadong tanong ni Randy.

 

Pumunta kami sa stage at sinilip kung sino ang nagkamit ng unang parangal sa Quiz bee.

San dyan yung nanalo? “ tanong ni Rico Lei sa mga taong naroon.

Ayun! Yung nasa unahan si John Ace Aredan!

Turo ng babaeng halatang halata na may paghanga dun sa nanalo.

“  John Ace Aredan??! Sya si John Ace Aredan??? “ di makapaniwalang sabi ko.

“ Bakit brad? Closed kayo? Magkakilala kayo niyan? “ sabay sabay na tanong nilang tatlo.

Ha? Hindi eh.. Di ko kilala “ sagot ko sa kanila.

Maka-react ka naman! Akala tuloy namin kilala mo. “ dismayadong sabi nila.

 

Nung mga oras na iyon di ako makapaniwala na ang kaapelyido ko pala ay ang estudyanteng matagal ko ng kilala pero sa mukha lang.

Akala ko pa naman nung pasukan kaklase nya lang eh.. Siya na pala yun!?-

I'm Her Confused BFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon