MSMR - 3

51 0 0
                                    

Bago pa ako naka-iwas sa kanila mula sa sala, tinanong ako ni fernan , "Bakit di mo kami sabayan? , mukhang masarap pa naman itong cookies, mukhang ikaw pa ang nagbake nuh?" , nahiya ako sa sinabi niya , flattered ako actually , pero "OO ako , o sige na alis na ako , enjoy :), aakyat muna ako may gagawin pa ako"

Nakita ko ang mga mata ng aking kapatid , alam ko kung paano siya mag-isip  , nakikita kong gusto niya si fernan , di lang gusto , gustong gusto niya. 

Masaya ako para sa kanya, dahil nakikita ko na sa bawat pagbisita ni fernan sa bahay , eh masayang masaya siya at tila inspirado mag-aral , 

minsan nakausap ko siya sa kusina habang nagluluto ako 

"Ate , okay ba sayo si fernan? , gusto ko siya eh?" ,  

"Ah , eh kasi wala pa namang 1 month nanliligaw sayo yun , di ko pa siya kilala

"Eh ate , halata namang mahal niya ako eh , bakit patatagalin ko pa?"

Nag-pantig ang tenga ko sa sinabi niya , at bigla kong nasabi  

"Ang bata bata mo pa ! , malandi ka na! mahiya ka naman, kababaeng tao mo , pero kung mag-isip ka parang balewala ang reputasyon mo para sa sarili mo"

agad na sumagot si shaina

"Naiinggit ka lang , palibhasa kasi , walang nanliligaw sayo , loshang ka kasi!" 

(nahiya naman ako sa ganda nya)

di na ako sumagot pa , umalis siya ng bahay , parang walang kasama na hindi man lang nagpapa-alam , at wala na akong magawa kundi pagpasensyahan na lang siya.

Yung totoo masakit ang nasabi niya sa akin , parang di niya man lang naisip na , kaya ako nagiging loshang , eh dahil din naman sa kanya, Ipinaglalaba ko siya , ako nagplaplantsa ng uniform niya, ako nagluluto ng pagkain niya simula umaga tanghali meryenda gabi. 

Gabi na ng nakabalik si Shaina , at katulad ng madalas niyang gawin , nakainom na naman ang gaga,

"Shaina , handa na hapunan , kumain ka na"

Nakatingin sa akin na parang nahihiya si shaina

"Ate Sarah , pasensya na sa mga nasabi ko"

Di ako nagsalita , ayokong makipag-plastikan kay shaina , di pa ako handa na pag-usapan ulit ang isyu na yan.

Kinabukasan, nauna siyang gumising sa akin , nagulat na lang ako at may nalutong almusal na , 

Meron itlog , hotdog , pancake, halata pa rin na prito lang ang alam niya. 

"Ate kain ka na , ipinagluto kita"

ningitian ko na lang siya at niyakap , dun ko tinapos ang pag-aaway naming iyon, 

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon