MSMR - 10

35 0 0
                                    

matapos magliwaliw at bumili ng kung anu-ano , agad na kaming umuwi ni shaina at ni fernan sa bahay. Kailangan na rin kasing magpahinga ng kapatid ko , dahil bukas , magiging busy na naman siya sa kanyang trabaho. Mahirap din kasi ang trabaho ni shaina , Siya ang taga-bigay ng payo para sa mga taong depressed at sa iba pang may sakit sa pag-iisip.

Namamangha ako sa aking kapatid , sobrang dedikado niya sa pag-aaral. Di ako nagsisi sa aking desisyon sa paglayo kay fernan , alam ko gumawa ako ng tama , at kahit na ako ang talo , atleast alam ko sa sarili ko na yung pagpaparaya ko sa kapatid ko , nagbunga ng malaki.

Ilang araw ang lumipas , muling dumaan sa bahay si fernan , sa kasawiam-palad wala si shaina doon.

pinapasok ko siya, noong mga oras na yun akala ko okay na ang lahat , akala ko malinaw na sa kanya ang gusto kong mangyari. Pero bago pa ako makapagtanong sa kanya kung ano ang pakay niya, agad siyang kumilos at nagsalita

"Sarah , dito ka lang , may kailangan kang malaman"

natakot ako , baka sinabi niya kay shaina ang nangyari sa aming dalawa noon.

"Anong problema fernan?, may bumabagabag ba sayo?"

"balak ko na kasing makipag-hiwalay kay shaina"

nanlamig ako sa sinabi niya , parang nagising ako mula sa masayang panaginip.

"ba..ki.iit? , may nagawa ba ang kapatid ko sayo?"

"wala naman sarah , pero ako meron"

Huminga ako ng malalim , para akong aatakihin sa puso sa sinabi niya.

"Anong nagawa mo? , sabihin mo sa akin"

"Sarah Mahal kita! , pagod na akong magpanggap"

"Sa tagal niyong nagsama , di mo pa rin siya natututunang mahalin? pinaasa mo ang kapatid ko"

Natatakot ako sa maaari niyang gawin , baka iwan niya ang kapatid ko , alam ko na hindi yun kakayanin ni Shaina, minsan nasabi  nang nasabi sa akin ni shaina , na ikamamatay niya kapag nawala si fernan sa kanya.

"Fernan , tama na , akala ko malinaw na ang lahat"

Hinawakan ko ang kanyang mukha , paulit ulit ko itong tinapik at sinabing

"Ano bang wala ang kapatid ko na meron ako? Fernan , halos patayin na ako ng konsensya ko"

"Sarah , di ko rin alam , pero ikaw! , ikaw ang mahal ko,  paano ko ba mapapatunayan sayo yun"

nag-isip akong mabuti kung anong ang tamang sabihin sa lalaking to

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon