MWF lang ang pasok ko , kaya't kapag martes at hwebes , nasa bahay lang ako para maglinis at magtrabaho. Nakakatanggap din kasi ako ng mga order ng cake at cookies. Kahit papa-ano dagdag din yun para sa allowance namin ni shaina. si shaina naman halos buong weekdays , may pasok siya at karaniwan late siya umuwi , dahil na rin sa school projects.
Minsan , napadaan si fernan ng martes , nagulat ako , di man lang siya nagpasabi na darating siya e di sana , nakapaglinis man lang ako.
"Fernan , wala si shaina dito eh . may pasok siya tuwing weekdays"
"okay lang . ikaw naman ang pakay ko talaga sarah"
nagulat ako sa nasabi niya , di ko naman alam kung bakit niya nasabi yun .inisip ko na lang na baka may iba siyang dahilan.
"Sarah kasi ,"
agad kong pinutol ang sasabihin niya , para makapag-palusot, pero imbes na malusot ako , lalo ko pang pinalala ang sitwasyon
"Pasok ka muna fernan, mainit kasi dito sa labas"
"Mabuti naman , para makapag-usap tayo ng mas maayos"
habang nasa sala , dineretso ako ni fernan ,
"sa katunayan , ikaw naman talaga ang liligawan ko, nabigla lang ako at di na nakapalag pa kay shaina, ikaw ang gusto ko , noon pa lang gusto na kita , nahihiya nga lang ako lumapit"
nainis ako , sa sinabi niya , parang lumalabas tuloy na aagawan ko ang kapatid ko , di ko kailanman ginusto na ako ang maging dahilan ng pag-iyak ng kapatid ko , ayokong makikita siyang umiiyak, na galit na galit sa akin.
"Umalis ka na, ayoko nang marinig pa ang sasabihin mo , una sa lahat di kita gusto,"
"alam ko namang ..."
muli kong pinutol ang kanyang pagkakataon na magsalita
"Alis na, wag kang mag-alala , di ko to sasabihin kay shaina , palalagpasin ko to"
nung mga oras na yun , di ko alam kung saya ba o kaba ang bumabagabag sa puso ko , sinabi niyang gusto niya ako , di ko rin naman ikaka-ila na nag-expect akong ako ang liligawan niya pero naunahan ako ni shaina, at bilang nakakatanda magpaparaya na lang ako
hanggat maaga pa , susubukan kong kalimutan ito , ayoko ng ganito , magulo ,.may masasaktan
mga 6:00 pm nakauwi na sa shaina , at tinanong kung bumisita ba si fernan
pero sinabi kong hindi , para di niya kami pagdudahan
"ahy ganun ba? , akala ko pupunta siya, wait nga lang tatanungin ko siya"
agad ko siyang pinigilan , nagpalusot na lang ako na kumain na muna siya, pero di siya nagpapigil
tinext niya at tinanong nsi fernan, mga ilang segundo lang eh nagreply na si gago , at salamat sa diyos , itinanggi niya rin.
kinabahan ako dun
umupo na lang si shaina at masayang ikinuwento sa akin ang nangyari sa araw niya, habang naman ako eh binabagabag ng aking konsensya