MSMR - 19

35 0 0
                                    

nangyayari na ang bunga ng pagsisinungaling , kinakarma na ako. Tinawagan ako ng ilang kaibigan , kung totoo ba ang mga nangyayare. Wala akong nireplyan. Pumunta ako sa banyo , naligo , at katulad ng ginagawa ko noon , umiyak ako. Sinira ko na ang tiwala ng kapatid ko. 

Pagkatapos kong maligo , agad akong nagbihis , sinubukan kong pakalmahin ang sarili , pero di ko magawa. Ang sakit ng nagawa ko sa kapatid ko , talo ko pa ang pumatay sa sobrang konsensya ko. Tinawagan ako ni fernan , pero di ko ito sinasagot. 

Isang text ang natanggap ko mula sa kanya , "nabunyag na ang lihim natin , ngayon , di na natin kailangan pang magtago , hihiwalayan ko na siya" nagulat ako sa sinabi niya , parang wala siyang pananagutan sa pagbubuntis ni shaina. Nireplyan ko siya at sinabing

"Wag kang umasang gugustuhin ko pang makita ka , ang kapal mo , sinira mo ang pagkakapatid namin ni shaina, hayop ka"

Masakit ang mga nasabi ko , di ko inexpect ang mga sinabi niya sa akin 

"Mahal mo rin naman ako diba? , minahal mo ako"

"kahit mahal kita , kung kapatid ko ang kapalit , magkalimutan na."

isang text ang natanggap ko kay shaina

"Wala ka nang kapatid , kakarmahin ka rin."

parang bumaliktad ang kapalaran sa narinig ko , gumuho ang masaya kong mundo , nalanta ang mga bulaklak at lumubog ang araw , nabalot ng dilim ang paligid.  Sumigaw ako ng sumigaw , sobra na , ayoko na , sobrang nahihirapan na ako.

Pinaubaya ko na nga ang dapat na akin , pero anong kapalit? , ako pa rin ang lumalabas na masama?

Di na ako matatakot pa , tatayo ako , taas noo akong lalaban ,

"tapos na ang pananahimik ko shaina , hinusgahan mo ako agad" , "Ngayong kinalimutan mo na kapatid mo pa ako , di ko na ipipilit pa ang sarili ko"

Pumunta si fernan sa bahay , pero bigo siyang kausapin ako , pinaalis ko siya . Si Shaina naman , sa kasawiang palad , nalaglag ang baby niya , di siya nagkaka-kain ng malaman ang nakaraan.

"Wala akong kasalanan , di ako ang dahilan , si fernan si fernan!"

Kahit sabihin ko pa sa iba ang totoo , wala ring mangyayari. Ako pa rin ang lumalabas na kabit. Ako pa rin ang nag-agrabyado.

My Sister , My RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon